Super Tekla, abot langit ang tuwa at pasasalamat sa kanyang pagkakaroon ng bagong sariling bahay

Sa bawat ambisyon at pangarap na ating gustong abutin sa buhay, ay kinakailangan ang kaakibat na tiyaga at pagsusumikap sa buhay upang makuha at marating ang lahat ng ito.



Credit: Donekla in Tandem Youtube

Marami mang pagsub0k ang siyang dumating, darating at darating pa din ang panahon na iyong maaabot ang magandang buhay na nakalaan para sayo.

Tila’y ganyan nga mailalarawan ang buhay ngayon ng TV host at komedyanteng si Super Tekla, na sa kabila ng hirap na kaniyang pinagdaanan noon ay unti-unti na niyang nakakamit ang mga pangarap na matagal na niyang inaasam.

Credit: Donekla in Tandem Youtube

Bukod sa pangarap niyang umasenso at guminhawa ang kaniyang buhay ngayon, ay ginawa ni Tekla ang lahat upang makuha ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang sipag at pagsusumikap sa trabaho.

Dahil sa mga proyekto at trabaho na binigay sa kaniya, isama na rin ang pagiging isang mahusay na content creator kasama ang kaniyang ka-tandem na isa ring komedyante na si Donita Nose, ang pangarap niyang bahay noon ay kaniya nang nakuha ngayon.

Credit: Donekla in Tandem Youtube

Hindi lubos maisip ni Tekla sa dami ng kaniyang pinagdaanan, hindi niya akalain na makakabili siya agad-agad ng bahay para sa kanila ng kaniyang pamilya.

Ayon kay Tekla ay wala talagang imposible sa buhay lalo na kung ito ay iyong pinangarap, lubos na pinag-isipan at pinagdasal sa Panginoon.

At upang magsilbing inspirasyon sa kanilang mga ka-tandem ni Donita, ay ibinahagi ni Tekla sa publiko ang bahay na kaniyang binili na siyang kalapit lamang ng bahay na nabili din ni Donita para sa sarili.

Walong bahay lamang ang pagitan mula sa bahay ni Donita ay iyong mapupuntahan na ang bahay na binili ni Tekla, tila nga’y hindi na mapaghihiwalay pa ang dalawa.

Credit: Donekla in Tandem Youtube

At dahil bago pa lamang ang binili ni Tekla na bahay ay makikitang wala pang mga kagamitan ang nakalagay dito sa ngayon.

Ngunit wala pa man ay marami ng plano ang iyong aabangan sa magiging itsura ng bahay ni Tekla, mula sa pagpapa-extend nito, hanggang sa magiging kwarto nila ng kaniyang unica iha na si Aira.



Credit: Donekla in Tandem Youtube

Hindi maipaliwanag ni Tekla ang labis na kasiyahan na kaniyang naramdaman nang mabili ito at ang tuwa ni Donita para sa kaibigan ang siyang nangingibabaw.

Dahil tunay nga kung sabay nilang pinangarap ang buhay na ito ngayon, ay siyang sabay din nilang aabutin ito ng magkasama bilang isang matalik na magkaibigan.

The post Super Tekla, abot langit ang tuwa at pasasalamat sa kanyang pagkakaroon ng bagong sariling bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments