Gloria Diaz, ibinahagi ang kanyang mga lumang larawan simula nung kanyang pagiging isang Miss Universe

Kung merong most enthusiastic fans ang Miss Universe, nangunguna diyan ang mga Pinoy. Talaga namang tumitigil ang bansa sa tuwing mayroong kandidata na Pinay beauty sa Miss Universe. Marami na ring mga pangalan ang lumutang dito at ang pinaka unang naitanghal na Miss Universe mula sa Pilipinas ay si Miss Universe 1969 Gloria Diaz.



Credit: @gloria.diaz69 on Instagram

Record breaking din ito dahil bukod sa siya ang unang Filipina na nanalo ay kasabay din nito ang unang beses na mayroong taong nakatapak sa buwan.

Kaya naman, binalikan ngayon ni Gloria Diaz ang mga panahong ito na kung saan siya ay naitanghal na Miss Universe. Makikita nga naman dito ang mga glorious days ni Gloria Diaz na talagang napakaganda at bata pa siya dito.

Credit: @gloria.diaz69 on Instagram

Katuloy naman ng IG video na ito ang naging buhay ni Gloria matapos nito. Siya ay nakabuo ng masayang pamilya na makikita sa throwback IG video.

Kalakip naman ng mga larawan na ito, ay ang nakakatuwang caption ni Gloria Diaz. As usual, nakilala din si Gloria bukod sa kanyang ganda ay ang kanyang pagiging p0sitibo sa pananaw sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gloria Diaz (@gloria.diaz69)


“Do not live in the past they say ️but it is nice to reminisce ️so no amount of plastic surg3ry will ever bring back youth so one should focus on true friends honest siblings, happy and kind kids And most impt. loving partner be that it may totally yours or shared,” saad ng caption.

Credit: @gloria.diaz69 on Instagram

Bukod sa ganda ni Gloria Diaz, hindi rin matawaran ang galing at talino ni Gloria Diaz. Hanggang ngayon, kahit may edad na si Gloria Diaz ay makikita pa rin ang kanyang angking ganda. Hindi nakapagtataka kung bakit binansagan siyang “pinakamagandang babae sa balat ng lupa.”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gloria Diaz (@gloria.diaz69)


Talagang wala nga namang papantay sa kanyang angking ganda, galing at talino. Bukod pa dito, siyempre ang kanyang napakagandang personality din ang isa sa mga nangingibabaw dito na siya din namang mas mahalaga.

The post Gloria Diaz, ibinahagi ang kanyang mga lumang larawan simula nung kanyang pagiging isang Miss Universe appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments