Sheena Halili, ibinahagi ang mga cute at nakakatuwang larawan kasama ang kanyang baby na si Martina

Bukod sa hiling na body massage, manicure,pedicure at footspa ay tila`y wala na ngang mahihiling pa ang aktres at celebrity mom na si Sheena Halili-Manzanero ngayon, sa pagdating ng isang malaking biyaya na ibinigay sa kanila ng kaniyang asawa na si Jeron Manzanero.

Hindi lubos maisip ni Sheena na ganito pala ang tuwa at saya na kaniyang nararamdaman ngayon sa pagiging ina sa kaniyang anak na si Baby Martina.



Credit: @mysheenahalili on Instagram

Disyembre 12 noong nakaraang taon ng magsilang ang aktres ng isang healthy baby girl at ito nga ay walang iba kundi si Baby Martina.

Sa bawat araw, linggo at buwan na siyang lumilipas, iba ang hatid na saya para kay Sheena na makita at maalagaan ang kaniyang anak, sa kabila ng hirap at pagod sa tuwing walang sapat na tulog ay hindi alintana sa kaniya, basta maibigay ang tamang alaga at maiparamdam ang pagmamahal ang siyang nangingibabaw pa din.


“Salamat anak, dahil sa magdadalawang buwan na kitang inaaalagaan, sa bawat yakap, buhat, at haplos ko, nakakalma kita.

“Ang sarap mong pagmasdan. Ang sarap mong alagaan. Ang sarap maging mommy mo. Masaya akong nakikita kitang lumalaking malusog at protektado dahil sa aking yakap.”


At ngayon na isa ng ganap na celebrity mom na rin ang aktres ay halos hindi naman mapaghiwalay ang mag-ina, lalo na ngayon na hinahanap-hanap ni Baby Martina ang bawat yakap at haplos ng kaniyang ina.

At dahil sila ang magkasama sa bawat oras at minuto na lumilipas, hindi naman inaksaya ni Sheena at ng kaniyang asawa ang pagkakataon na ito upang makuhanan ang ilan sa mga cute pictures ni Baby Martina habang kasama nila ito.

Credit: @mysheenahalili on Instagram

Isa na nga sa mga cute pictures ng kanilang anak ay ang larawang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram, at makikita ang tila`y kanilang pagse-selfie mag-ina.

Sa cute pictures nila na ito ay kapansin-pansin ang kanilang cute pose na isa rito ay naka kindat pa.

Credit: @mysheenahalili on Instagram

Tila`y kahit baby pa lamang ang kanilang anak ay hindi na maitatanggi na marunong na itong magpa-cute sa harapan ng camera at kaya na ding mag-project ng ilang mga cute na facial expression.

Dahil dito ay marami namang netizen ang hindi napigilan ang kanilang gigil at nagbigay ng kanilang kumento sa larawan na ito ni Baby Martina.



Credit: @mysheenahalili on Instagram

“Sooo cute ❤✨

“cuteness overload🤗

“ang kyuuuuut nia😍

The post Sheena Halili, ibinahagi ang mga cute at nakakatuwang larawan kasama ang kanyang baby na si Martina appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments