Barbie Forteza, ipinasilip ang kanyang van na kanyang nagagamit sa trabaho kasabay ng kanyang pag-anunsyo na ito ay ibinibenta na rin nya

Bahagi na ng buhay ng isang artista ang mga walang katapusang tapings sa pelikula o kaya nama’y sa mga teleserye. Kaliwa’t kanan ang mga trabaho kaya naman mahalaga sa kanila ang mga sasakyan nila.

Credit: Barbie Forteza Youtube

Dahil bukod kasi sa ito ang ginagamit nila sa transportasyon, ito na rin ang kanilang nagiging ikalawang bahay. Dito na sila nagpapahinga at natutulog lalo na kung magdamagan ang kanilang mga tapings.

Kaya naman, kung titignan ay naging karaniwan na sa mga artista na mayroong mga malalaking sasakyan gaya ng van at ang iba ay customized pa para mas komportable sila.



Credit: Barbie Forteza Youtube

Gaya na lamang ng aktres na si Barbie Forteza na ipinakita niya sa kanyang vlog ang kanyang van na naipundar niya sa kanyang showbiz career.

Bungad ni Barbie, bunga daw ng kanyang sipag at tiyaga ang lahat ng ito. Bawat trabaho niya, pagpupuyat at kapaguran ay napunta din sa kanyang naipundar na van.

Credit: Barbie Forteza Youtube

Makikita sa loob nito ang napakaluwag na espasyo ng van. Komportable ka nga namang makakapagpahinga at makakatulog dito. Makikita din sa loob ang mga gamit na laging dala-dala ni Barbie sa tapings at sa kanyang trabaho.

Sa likod naman ay makikita ang kanyang mga maleta. Ang malaking maleta ay para sa mga damit at ward robe ni Barbie habang ang maliit ay para sa mga under garments at shorts niya.

Credit: Barbie Forteza Youtube

Mayroon ding mga sapatos na nandito na kanyang nagagamit din sa trabaho. Makikita din sa likod ng van ang kanyang portable toilet tub na kahit nasa byahe ay makakapag CR ka.

Narito naman ang mga komento ng mga netizens na tuwang tuwa dito:

“Gustong-gusto ko ung attitude ni Barbie..hindi ung naiinis na kaartehan, ang cute lng napaka natural lng tlga..Godbless Ms. Barbie ❤



Credit: Barbie Forteza Youtube

“Minimalist lang wala masyado arte hindi feel na feel ang pagiging artista.”

“Yes totoo sinabi din sakin yan ng isang driver. That’s why palagi din ako nasakay sa tapat nang driver lalo pag long drive.Anyway your so gorgeous Barbie.Take care ❤💕😍

The post Barbie Forteza, ipinasilip ang kanyang van na kanyang nagagamit sa trabaho kasabay ng kanyang pag-anunsyo na ito ay ibinibenta na rin nya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments