Jak Roberto, masayang ipinasilip ang kanyang napakaganda at bagong setup na sasakyan

Kung goals din naman ang pag-uusapan, lahat tayo lalo na ang mga kabataan ay mayroong mga bagay at goals na nais makamit sa buhay. Ang iba’y nais nila ng bahay at lupa, o kaya naman ay ang pangarap nilang career o trabaho.

Credit: Jak Roberto on Instagram

Maaaring sa iba ay love life, sasakyan, bagong sapatos o kung ano man ang wala ka pa sa iyong buhay. Pero, kahit ano pa man ang mas mahalaga ay may ginagawa ka at pinagtatrabahuan mo ang kahit na anong goals mo sa buhay.

Gaya na lamang ng aktor na si Jak Roberto. Makikita nga naman natin siya kung paano siya kumayod para sa pamilya, at sa kanyang karera sa showbiz. Lahat naman ng ito ay nagbunga at makikita ngayon kung gaano kasikat at talagang inaabangan ng marami si Jak.



Credit: Jak Roberto on Instagram

Kaliwa’t kanan ang kanyang mga proyekto at masasabi mo nga naman talagang sumikat at umunlad na si Jak sa kanyang buhay at sa showbiz industry.

Ngayon, deserve na deserve ni Jak ang kanyang reward sa kanyang sarili. Makikita sa kanyang IG ang kanyang bagong customized na pickup truck na gawa ng Autobot Autoworks-Offroad.

Credit: Jak Roberto on Instagram

Napakaganda nga naman talaga nito at matapos ang matagal na pag-aasam ni Jak ay napa-customize nya rin ang kanyang sasakyan. Dahil dito ay nakamit na niya ang kanyang dream car.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)


“After so many years of dreaming 🙏 #AutobotSTRONG #FueledbyGod #BFGoodrichTires #Torqit #HKS #HAMER #VLAND #RidemaxPH #FuelOffroad,” caption ng IG post ni Jak matapos ipost ang sasakyan na ito.

Nakakabilib nga naman talaga si Jak. Sa kanyang edad, ay marami na siyang napupundar at talagang nakakamit niya ang kanyang mga self goals sa buhay.



Credit: Jak Roberto on Instagram

Mas mabibilib ka dahil bukod sa masayang pamilya, magarang sasakyan at umaasensong career, samahan mo pa iyan ng masayang love life. Kaya naman, idolo at inspirasyon si Jak lalo ng maraming kabataan.

The post Jak Roberto, masayang ipinasilip ang kanyang napakaganda at bagong setup na sasakyan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments