Aktres na si Ysabel Ortega, ibinahagi ang paraan ng pag-aalaga at pag-harvest ng mga manok mula sa kanilang poultry farm

Sa kanilang mala mansyong tahanan na matatagpuan sa probinsya ng La Union, isa namang malawak at matayog na lupain ang siyang atin namang sisilipin na ating matutunghayan sa video ng aktres na si Ysabel Ortega.



Credit: Ysabel Ortega Youtube

Kamakailan lang nang ipasilip ni Ysabel sa publiko ang kanilang mala mansyong tahanan na siyang hinangaan ng karamihan dahil sa angking ganda nito magmula sa disenyo at kagamitan na iyong makikita mula dito.

Bukod pa diyan ay ipinakita din ng aktres ang kanilang poultry farm at lemon plantation na siyang kasalukuyang pinagkaka-abalahan niya ngayon simula ng maisailalim ang Metro Manila sa community quarantine.

At ngayon ay atin namang tunghayan ang ikalawang bahagi ng pagbabahagi ni Ysabel sa kanilang Poultry Farm at ating alamin ang kanilang ginawang paghahanda sa pag-harvest ng mga manok.

Paliwanag ni Ysabel ay sila ang mga contract growers na siyang nagpapalaki at nag-aalaga sa mga manok habang ito ay mga maliliit pa lamang, at ang mga manok na ito ay nanggagaling mismo sa mga bigger company o mas kilala sa tawag na Integrator.

Credit: Ysabel Ortega Youtube

Layunin nila bilang mga contract growers ay palakihin ng malusog at l!gtas ang mga manok na kanilang nakukuha sa mga integrators at dadalhin naman ang mga ito sa isang pasilidad upang ihanda bago ibenta sa merkado.

Pagdating sa poultry farm nina Ysabel ay makikita ang libo-libong dami ng mga manok na siyang kanilang inalagaan at pinalaki.

ayon pa sa aktres ay bago nila i-harvest ang mga manok ay kinakailangan munang makamit nila ang target weight ng mga ito na 1.55 pataas.

Kaya naman matapos ang 28 na araw at kanila ng nakuha ang target weight ng bawat manok ay maaari ng i-harvest ang mga ito.



Credit: Ysabel Ortega Youtube

Sa pag-aalaga ng mga manok sa kanilang poultry farm ay sinisiguro nila Ysabel na labis na maaalagaan ang mga ito, magmula pa lamang sa tamang temperatura na naaayon sa kanilang mga balat at pagdating na din sa pag-iwas sa mga langaw at bacteria na maaaring maka-apekto sa kanila.

Credit: Ysabel Ortega Youtube

Sa huli ay ikinuwento din ni Ysabel na ang business na ito ng kanilang pamilya ay balak pa nilang palaguin, at ang pagpunta sa Tarlac ay kanilang ginawa kasama ang kaniyang Daddy Greg upang matunghayan ang tamang breeding process ng bawat manok na ito.

The post Aktres na si Ysabel Ortega, ibinahagi ang paraan ng pag-aalaga at pag-harvest ng mga manok mula sa kanilang poultry farm appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments