Carmina Villaroel, ipinasilip ang kanyang mga paborito sa kanyang koleksyon ng magagandang bags

Isa ka din ba sa mga nahilig sa magaganda at magagarang bags, na siyang perfect para sa iyong mga OOTD (Outfit of the Day) sa tuwing may okasyon o di naman kaya sa tuwing may vacation trip ang inyong pamilya?



Credit: Carmina Villaroel-Legaspi Youtube

Bukod sa mga damit at sapatos, isa rin sa mga nakahiligan lalo na ng ilang mga kababaihan ang pagbili ng mga bags, na siyang nagbibigay confidence sa kanila, kasabay ang kanilang angking ganda pagdating sa pagrampa.

Kaya naman ang aktres at TV host na si Carmina Villaroel ay hindi rin naman nagpahuli, at ibinahagi sa publiko ang 10 most favorite bags niya na madalas niyang ginagamit sa tuwing nagta-travel sila ng kaniyang buong pamilya.

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi Youtube

Una na nga sa listahan ay ang Gucci leather belt bag na madalas umanong gamitin ni Carmina sa tuwing siya maggo-grocery, dahil bukod sa maliit lang ito ay saktong-sakto para sa kaniya upang paglagyan ng mga mahahalagang bagay.

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi Youtube

Sumunod naman ay ang Louis Vuitton Palm Springs Mini na siya namang madalas gamitin ng aktres sa kanilang travel, dahil bukod sa maliit lang din ito ay madali lamang dalhin na siyang perfect sa kanilang pamamasyal.

Ang Gucci Marmont Top handle bag naman ay isa rin sa paboritong bag ni Carmina dahil sa pagiging casual type ng strap nito na sinamahan pa ng design nito na isang sling type na bag.



Credit: Carmina Villaroel-Legaspi Youtube

Bukod sa Gucci ay mayroon ding mga Hermès bags si Carmina at 2 nga sa mga ito ay ang Hermès Jypsiere at Hermès Lindy, na isa umano sa mga madalas ding gamitin ng aktres lalo na sa kanilang travel dahil sa saktong laki ng sukat nito ay marami na siyang pwedeng mailagay na gamit.

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi Youtube

Ang isa pang Hermès bag ni Carmina ang Hermès evelyne na siyang naiiba naman sa lahat dahil sa kulay nitong pula na pangalawa sa paborito niya na kulay.

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi Youtube

At kung kulay blue lang din naman ang pag-uusapan, ang Dior book tote ang siyang isa rin sa paborito ng aktres dahil sa kulay nito at dami ng gamit na kaniyang mailalagay.

At hindi naman mawawala sa listahan ang Chanel bags ni Carmina ang dalawang Chanel handbag at isang Chanel shopping tote na madalas din niyang gamitin sa kanilang travel.



Credit: Carmina Villaroel-Legaspi Youtube

Mula sa mga bags na ipinakita ni Carmina ay tila’y perfect nga ito para sa katulad niyang celebrity mom, lalo na sa kanilang mga travel ay kinakailangan niya ang mga ito upang paglagyan ng mga passport at tickets ng kanilang pamilya.

Ayon kay Carmina, ang pagbili niya ng mga bags na ito ay labis niyang pinag-iisipan kung maganda bang investment at talagang magagamit niya hanggang sa paglipas ng panahon.

The post Carmina Villaroel, ipinasilip ang kanyang mga paborito sa kanyang koleksyon ng magagandang bags appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments