Anak ni Andi Eigenmann na sina Lilo at Koa, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanilang mga nakakatuwang larawan na magkasama

Nakakaubos nga naman talaga ng lakas at energy ang magkaroon ng mga babies. Kung isa pa lang ang iyong baby ay talagang nakatuon lagi ang atensyon mo sa kanya. Lalo na kung ito ay 1 year old pataas, siguradong nag eexplore na ito at talagang dapat ay mas hands-on na ang nag-aalaga dito.



Credit: Andi Eigenmann on Instagram

Kapag natuto pa itong maglakad, ay talagang susubaybayan para maiwasan ang kahit na anumang hindi kanais-nais na pangyayari.

Paano pa kaya kung dalawa na ang iyong mga napakacute na babies?

Credit: Andi Eigenmann on Instagram

Gaya na lamang ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, kung saan ang kanilang Baby Lilo ay mag 2 years old pa lamang habang bagong dating naman ang kanilang bunso na si Baby Koa.

Kaya naman, dalawang bouncing babies na ang kanilang inaalagaan. At sa kanilang latest photo sa IG na kuha ng Cocoon Studio PH, makikita ang magkapatid na si Lilo at Koa na napakasweet.

Credit: Andi Eigenmann on Instagram

Makikita sa picture na hawak hawak ni Lilo si Koa habang binigyan niya ito ng forehead kiss. Talagang makikita mo na ateng ate na si Lilo sa kanyang bunsong kapatid.

Pabiro namang caption ni Andi na talagang kailangan daw talaga niya ng energy lagi para sa kanyang mga chikiting.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“Having two under 2 can get tough. Specially when your kids just have so much energy all the time. (Fortunately, our only boy seems to be the calm one.. so far!) but no worries because seeing precious moments like this one happen naturally for them, makes it all well worth it.♥📸 @cocoonstudioph,” saad pa ni Andi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Pero, totoo nga naman ang sinabi ni Andi. Na kahit ano pa ang energy level at sa sobrang likot ng mga ito, hindi mo nga naman maiinda ang pagod kapag nakikita mong masaya, malusog at napakacute ng mga babies mo.

Kaya naman, masayang masaya si Philmar at Andi sa kanilang mga anak at pamilya.

The post Anak ni Andi Eigenmann na sina Lilo at Koa, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanilang mga nakakatuwang larawan na magkasama appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments