Assunta De Rossi, masayang ipinagdiwang ang ika-4th month ng kanyang napakagandang anak na si baby Fiore

O`kay bilis nga naman talaga ng panahon, na parang kailan lang ng ibahagi ng aktres na si Assunta De Rossi sa publiko ang magandang balita na siya ay buntis.

Maituturing nga naman talagang isang milagro ang pagdating ni Baby Fiore sa kanilang buhay ng kaniyang asawa na si Jules Ledesma, dahil sa halos ng 20 taon ng kanilang paghihintay at pagdarasal na magka-anak ay sa wakas ito ay binigay sa kanila ng Panginoon ng hindi nila inaasahan.




Credit: Sammy Whammy on Instagram

At sa pagdating ni Baby Fiore ay hindi maipaliwanag ang labis nilang tuwa at saya na naramdaman ng ngayon ay kasama na nila ang kanilang munting anghel.

Hindi man naging madali para kay Assunta ang kaniyang naging pagbubuntis noon lalo sa panahon ngayon na may pandemyang kinakaharap ang bansa, ay matagumpay naman niya itong nalagpasan sa tulong ng kaniyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


At makalipas ng ilang buwan nang isilang ng aktres ang kanilang anak ay isa namang masayang pagdiriwang ng ika-4 months ni Baby Fiore ang kanilang idinaos kamakailan lang.

Sa larawang ibinahagi ng kapatid ni Assunta na si Alessandra De Rossi sa kaniyang Instagram ay makikita ang napaka-cute na larawan ng kaniyang pamangkin, at kapansin-pansin ang magandang kasuotan nito na isang dress na sinamahan rin ng flower headband sa ulo nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)


Katabi ang isang maliit na sign board na may katagang, “I am 4 months old” ay makikita rin ang mga cute na stuff toy katabi ni Baby Fiore at tila`y isang masayang Tea Party ang naging tema ng kaniyang selebrasyong ito.

Maliit pa lamang ay mababakas na sa napa-cute na mukha nito ang angking ganda na kaniyang namana sa kaniyang Mommy Assunta.




Credit: Sammy Whammy on Instagram

At tila`y bukod sa kagandahan ay nakuha rin nito ang pagiging masayahin na siyang makikita sa mga bidyo at larawan nito.

Isinilang ni Assunta ang napaka-cute na si Baby Fiore noong October 24, ng nakaraang tao.

The post Assunta De Rossi, masayang ipinagdiwang ang ika-4th month ng kanyang napakagandang anak na si baby Fiore appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments