Anak ni Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na si Jayda, umani ng paghanga dahil sa kanyang kagandahan

Sa kanilang husay at galing sa pagkanta, ang karamihan ay kanila naman talagang napahanga kaya naman ang kanilang mga sikat na awitin ay patuloy pa din tinatangkilik hanggang ngayon.

Ngunit bukod sa pagiging mahusay na singer nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, sila din ay kinilala sa kanilang angking ganda at kagwapuhan.

Credit: @jayda on Instagram

Kaya naman hindi kataka-taka na ang kanilang anak na si Jayda ay mababakas din ang angking kagandahan nito, na tiyak hindi lamang mga kalalakihan ang nahumaling kundi pati na rin ang mga kababaihan ay napa sana all sa kaniyang gandang natural.

Sa kaniyang mga larawan sa social media at pati na rin ang kaniyang mga bidyo sa Tiktok, ay talaga namang umani ng samu’t saring papuri mula sa kaniyang mga supporters.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)


Isa na nga sa mga ito ang kaniyang Tiktok video na kung saan ay makikita ang naging before and after transformation ni Jayda, habang siya ay inaayusan ng kaniyang make-up and hairstylist hanggang sa kaniyang final look.

Sa bidyo niya na ito ay talaga namang kahit wala o mayroong make-up ay hindi maitatanggi ang kaniyang angking kagandahan.

Credit: @jayda on Instagram

Dahil dito ay hindi napigilan ng ilang mga netizen na magbigay ng kanilang kumento at ang ilan pa nga sa kanila ay nagsabing kamukha umano ni Jayda ang sikat na international singer na si Ariana Grande.

“Ariana Grande 😍😍😍

“Mas maganda pa sya kay Barbie Doll ✌🏻🙌♥ So gorgeous 💜💜💜


Credit: @jayda on Instagram

“Arian Grande ikaw ba yan? Grabe ganda ng bb girl ko ♥😍

“Grabe kamukang kamuka mo talaga si mommy mo 😍😍😍 Ganyan rin sya noon naalala ko.”

“That final glamorous shot.. biglang tingin Mommy Jessang, mommy Jessa eh! ♥🔥🔥🙌 Napakaganda!!!”




Credit: @jayda on Instagram

Bukod sa kaniyang angking ganda, tila’y namana din ni Jayda ang husay at galing ng kaniyang mga magulang pagdating sa pagkanta.

Kaya naman hindi kataka-taka na ngayon ay nailabas na ang kaniyang new single ang kantang ginawa ni Jayda at ng kanyang Daddy, na siyang kauna-unahang Filipino song na kaniyang ginawa ang “Paano kung naging tayo”.

The post Anak ni Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na si Jayda, umani ng paghanga dahil sa kanyang kagandahan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments