Jak Roberto, tiningnan ang magiging reaksyon ng kanyang kasintahang si Barbie Forteza sa dinala nyang napakataas na sasakyan

Isa na namang prank ang iyong matutunghayan sa panibagong video na iyong mapapanood sa YouTube channel ng Kapuso actor na si Jak Roberto.

Bukod sa pagiging isang mahusay na aktor sa mga teleserye at pelikula na kaniyang pinagbidahan, si Jak naman ay kinilala din ng publiko bilang isang YouTube vlogger na siyang isa sa mga mahusay gumawa ng pranks.



Credit: Jak Roberto Youtube

At kung ikaw ay sumusubaybay sa kaniyang mga videos, tiyak na alam mo din na sa bawat pranks na kaniyang ginagawa ay karamihan ng mga ito ay laging nasasampolan ang kaniyang kasintahan na isa ring mahusay na Kapuso aktres na si Barbie Forteza.

Kaya naman sa pagkakataong ito ay isa na namang prank ang kaniyang naisip para kay Barbie, na kung saan ay nagkukunwari siyang nagpa upgrade ng kaniyang sasakyan at mas pinataasan pa ang suspension nito.

Credit: Jak Roberto Youtube

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na may isang video rin na inilabas si Jak noon, at makikitang nakuhanan ng video ang naging reaksyon ni Barbie ng makitang mas pinataasan ni Jak ng 2 inches ang suspension nito, na siya namang ikinainis ng aktres dahil sa mahihirapan ito sa pag-akyat sa kaniyang sasakyan.

Credit: Jak Roberto Youtube

At sa pagkakataong ito ay naisipang gumawa ulit ng prank ang aktor upang tignan naman ang magiging reaksyon ni Barbie kapag nalaman at nakita nito na pina-upgrade ni Jak ang kaniyang sasakyan.

Kaya naman pagkadating ni Jak sa bahay ng aktres at matapos nilang kumain ay agad ipinakita ng aktor kay Barbie ang kunwaring sasakyan nito.

Credit: Jak Roberto Youtube

Pagkakita pa lamang ng aktres sa sasakyan ni Jak na tila’y naging isang pick-up truck, ay makikita ang gulat sa mukha nito at tila’y na-amazed sa naging kinalabasan ng sasakyan ni Jak, kaya naman pati ang susi nito ay napansin din ni Barbie na siyang muntikan pang hindi matuloy ang prank dahil dito.

Matapos maipakita ni Jak ang sasakyan kay Barbie, kapansin-pansin din na tila’y hindi naman ito nagalit sa kaniyang nakita at sa kunwaring pagpapa-upgrade ng sasakyan ni Jak.

At ng makita ng aktor ang reaksyon ni Barbie ay hindi alam nito kung siya ba ay matutuwa o magtatampo sa kasintahan, dahil hindi man lang nagtaka kung ito ba ay talagang sasakyan ni Jak.

Kaya ng mapagtanto ni Barbie na ito ay hindi sa aktor, at agad namang inamin ni Jak na hiram lamang ang sasakyan na kaniyang ipinakita dahil ang sasakyan niya ay kasalukuyang ipinapagawa.



Credit: Jak Roberto Youtube

At sa huli dahil sa nakitang reaksyon ni Jak kay Barbie ay naisipan na nitong ituloy ang kaniyang matagal ng plano, na pagdagdagan pa ang suspension ng kaniyang sasakyan.

The post Jak Roberto, tiningnan ang magiging reaksyon ng kanyang kasintahang si Barbie Forteza sa dinala nyang napakataas na sasakyan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments