Neri Miranda, tinuruan ang kanyang anak na si Miggy kung paano mag-ani ng tanim nilang munggo

Wais na Misis na si Neri Miranda ibinahagi ang kanyang garden kung saan nag harvest rin sila ng munggo.

Sa instagram ay nagbahagi si Neri ng bidyo habang nag-aani sila ng munggo kasama ang anak nya na si Miggy.



Credit: Neri Miranda on Instagram

Sinabi rin ni Neri sa kanyang caption kung paano ba ang pag tatanim ng munggo at pano ito anihin.

“Good morning! Curious ba kayo kung ano ang itsura ng munggo kapag nakatanim palang at paano anihin? Ayan na yun. Maliit lang yung halaman saka madali lang tanimin. Yung mismong munggo ang itatanim. Hagis nyo lang sa lupa at basain, tutubo na yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Or para mas madali, babad nyo overnight yung munggo at mag sprout na yan, tanim nyo na. Basta palaging basa yung lupa hanggang maging halaman na sya. Madali lang din ang ani. Try nyo, ang saya! Kuha lang kayo ng munggo seeds sa kusina nyo tapos try nyong mag tanim!”

“Ano ba ang paborito nyong ulam na munggo ang main ingredient? Lumpiang sariwa? Lumpiang togue? Ginisang munggo Appetizer sa Korean resto, hehe!”

Credit: Neri Miranda on Instagram

Lahad ni Neri sa kanyang caption at may mga hashtag pa na,

“#NerisGarden #NerisFarm #WaisNaMisis #FarmtoTable #sustainableliving #sustainability #Wais”

Marami nga ang na inspired kay Neri sa pagkakaroon nito ng garden na puno ng mga prutas at gulay na mga tanim.

Credit: Neri Miranda on Instagram

Kaya naman sa mga nanay dyan na gusto rin maging wais na Misis gaya ni Neri, ay mag umpisa na mag tanim upang may maani balang araw at may pagka busyhan rin habang ngayong may pandemya pa.

Natuwa naman ang mga followers ni Neri ng mapansin nila ang pagsasabi ni Miggy ng “can we tanggal this one” sa video kung saan hinihila nya ang munggo mula sa halaman.



Credit: Neri Miranda on Instagram

Napaka cute nga naman makita si Miggy sa video habang tinutulungan ang kanyang mommy Neri sa pag haharvest.

The post Neri Miranda, tinuruan ang kanyang anak na si Miggy kung paano mag-ani ng tanim nilang munggo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments