Super Tekla, naging emosyonal nang makitang muli ang kanyang anak na si Aira na isang taon ding nawalay sa kanya

Matapos ang halos isang taon ng pagkawalay sa isa’t-isa, hindi maitatago ang labis na kasiyahan at excitement na naramdaman ng mahusay na komedyante at TV host na si Super Tekla, ng muling makasama ang kaniyang unica hija na si Aira.

Credit: Super Tekla Official Youtube

Makalipas ang ilang buwan ng sila ay hindi magkita mag-ama dahil sa pandemya at h!rap sa pagkuha ng travel pass lalo na at menor de edad pa lamang si Aira, ang kanilang muling pagtatagpo ay nagbigay ng labis na kasiyahan para kay Tekla.



Credit: Super Tekla Official Youtube

At ngayon na kasama na ni Tekla ang kaniyang anak, ibinahagi naman nito sa publiko ang kanilang naging pagkikita at ang ginawa nilang father and daughter bonding.

Credit: Super Tekla Official Youtube

Sa panibagong video ng komedyante sa kaniyang YouTube channel, ay mapapanood ang nakakaantig na pagtatagpo nila mag-ama at mararamdaman ang kanilang labis na pagkamiss sa isa’t-isa na siyang makikita sa higpit ng kanilang yakapan mag-ama.

Credit: Super Tekla Official Youtube

Magmula pa lamang sa pagsundo ni Tekla kay Aira sa airport, ay hindi na matawaran ang ipinakitang kasiyahan nito at hindi rin naman maitatanggi na matagal man ang sila ay hindi nagkita, mapapansin pa din ang kanilang closeness mag-ama.

Kaya naman upang sulitin ang panahon na sila ay magkasama, dinala ni Tekla si Aira sa condo na kaniyang tinitirhan at pagkatapos nito ay nagtungo naman sila sa parlor upang magpa-ganda at magpa-gwapo.

Dahil bata pa si Aira at hindi pa hiyang ang kaniyang buhok sa ibang tr3atment, kaya naman isang kerat!n tr3atment ang ginawa sa kaniya upang mas lalong masilayan ang angking kagandahan nito.

Credit: Super Tekla Official Youtube

Samantalang si Tekla naman ay nagpagup!t din upang sabayan ang kaniyang anak sa kanilang new look bago matapos ang taon.

Matapos ang ilang oras sa pagpapaganda at pagpapagwapo, isang masarap na kainan naman ang kanilang pinuntahan na siyang the best matapos ang kanilang ginawang paghihintay.



Credit: Super Tekla Official Youtube

Ngayon na muli ng kasama ni Tekla ang kaniyang anak, maituturing na espesyal ang araw na ito hindi lamang para sa kaniya kundi pati na rin para kay Aira.

Matagal mang hindi nagkasama, hindi pa rin mawawala ang kanilang pagmamahalan at tibay ng kanilang closeness bilang mag-ama.

The post Super Tekla, naging emosyonal nang makitang muli ang kanyang anak na si Aira na isang taon ding nawalay sa kanya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments