Alex Gonzaga, agaw pansin sa kanyang minodelong mga bridal gowns na gawa mismo ng isang magaling na designer

Habang kasalukuyang naghahanda para sa kaniyang nalalapit na kasal, muling ginulat at pinahanga ng aktres at komedyanteng si Alex Gonzaga ang mga netizen sa kaniyang mga naging larawan matapos siyang magsilbing model ng isang sikat na fashion designer.

Ilan sa mga larawang makikita sa kaniyang Instagram ay ang mga suot nitong bridal gowns na design mismo ni Joe San Antonio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joe San Antonio (@joesanantonio)


Mula sa mga larawang ito ni Alex ay makikita ang San Antonio’s nude-toned creations na isa sa mga koleksyon ni Joe na tinawag nyang “La Grace” na ang ibig sabihin ay “pure elegance.”

“La Grace was born out of the two essences of the word ‘grace’ – elegance and goodwill. These and the refined values of a classic bride is the La Grace dream, fulfilled by Alex Gonzaga – our muse and the collection’s purest embodiment.”




Ayon kay Joe, si Alex umano ang kaniyang napusuan at napiling maging kaniyang muse sa bagong koleksyon nya na ito ng kaniyang mga designs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joe San Antonio (@joesanantonio)


Bukod sa mga larawang ito ni Alex, ay makikita din naman ang munting pasilip sa mga koleksyon na ito, mula sa video clips na makikita ang napakagandang setup na pinalibutan ng mga puting bulaklak.

Kapansin-pansin din ang ilang mga naggagandahang mga gowns na siyang makikita hindi lamang sa disenyo nito kundi pati na rin ang pagkapulido ng pagkagawa ng mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joe San Antonio (@joesanantonio)


Ang nakatakdang bridal gown naman na susuotin ni Alex ay kaniyang napili na noong sila ay magbakasyon buong pamilya sa Singapore at kasama ang kaniyang kapatid na si Toni Gonzaga sa pagpili nito.



Wala pa mang eksaktong petsa sa nalalapit na kasal ni Alex sa kaniyang fiance na si Mikee Morada, makikita naman ang kanilang ginawang paghahanda sa pagpapatayo ng kanilang magiging bahay.

January ngayong taon nang simulang i-anunsyo ni Alex ang kanilang engagement ni Mikee.

The post Alex Gonzaga, agaw pansin sa kanyang minodelong mga bridal gowns na gawa mismo ng isang magaling na designer appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments