Dianne Medina, aminadong si Rodjun Cruz talaga ang kamukha ng kanilang anak na si baby Joaquin

Kung cuteness overload lang din naman ang pag-uusapan, tiyak na iyong panggigilan ang napaka-cute na si Baby Rodolfo Joaquin Diego Medina Ilustre III o mas kilala bilang si Baby Joaquin, mula sa kaniyang taglay na charm at kagwapuhan kahit ito`y tatlong buwan pa lamang.



Credit: Dianne Medina Ilustre on Instagram

Setyembre 10 ngayong taon ay masayang sinalubong ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang pagdating ng kanilang panganay na anak na si Baby Joaquin.

Tila`y ang pagdating ng kanilang munting anghel ay isang malaking blessing na kanilang natanggap bilang mag-asawa.

Credit: Dianne Medina Ilustre on Instagram

At matapos masilayan ng publiko si Baby Joaquin, ito naman ang naging daan upang ito`y panggigilan mula sa mga cute na pictures nito na siyang makikita sa social media ng kaniyang mga magulang.

Mula sa mga larawan niyang ito, ay hindi kataka-taka na carbon copy ni Baby Joaquin ang kaniyang Daddy Rodjun.

Credit: Dianne Medina Ilustre on Instagram

Pati si Dianne ay aminado rin naman na tila`y magkamukhang magkamukha nga ang kaniyang mag-ama simula pa lamang ng isilang niya ito.

Sa larawang ibinahagi ni Dianne sa kaniyang Instagram account, ay makikita ang picture ni Baby Joaquin kasama ang picture ni Rodjun nung ito pa ay sanggol pa lamang.

Credit: Dianne Medina Ilustre on Instagram

Makikita sa kaniyang caption ang tila`y pagsuko nito at pagtanggap na magkamukha talaga si Rodjun at ang kanilang anak.

“Okay, Si Daddy @rodjuncruz talaga ang kamuka! Hahaha”


Ayon pa sa aktres, ang kaniyang skin color umano ang siyang namana lang ni Baby Joaquin mula sa kaniya,

“Ang gwapo mo naman anak. mahal na mahal kita @babyjoaquinilustre kamukang kamuka mo daddy mo @rodjuncruz skin color ko lang ata nakuha mo hahaha”




Ganun pa man ay hindi naman maitatanggi na may ilang kilos si Baby Joaquin na siyang namana naman niya sa kaniyang Mommy Dianne, at isa na nga rito ay ang half open na eyes nito habang natutulog.

“So much love for you! ang gwapppo just like daddy. pero mana kay mommy half open ang eyes pag tulog!”
Ikinasal sina Dianne at Rodjun noong December ng nakaraang taon sa Manila Cathedral.

The post Dianne Medina, aminadong si Rodjun Cruz talaga ang kamukha ng kanilang anak na si baby Joaquin appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments