Super Tekla, idinaan sa pamimigay ng mga pagkain at pera ang kanyang pasasalamat sa kanyang bagong natanggap na biyaya

Sa kaniyang nakakatawang personality ay tiyak na hindi mo mapipigilan ang iyong sarili sa kakatawa, at ang palaging pagsubaybay sa kaniyang mga kwento at nakakatawang jokes na hindi nakakasawang panoorin at mapakinggan.

Credit: Super Tekla Official Youtube

Nakilala sa kaniyang pagiging isang komedyante na siyang marami ng napatawa mapa telebisyon man o sa sarili nitong YouTube channel na siyang maaaring mapanood ano mang oras.

Marami man ang kaniyang pinagdaanan at sinubok talaga ang kanyang katatagan, ngunit hindi naging hadlang ito para sa komedyante na si Tekla o mas kilala bilang si Super Tekla na magbigay kasiyahan sa maraming tao ngayon.



Credit: Super Tekla Official Youtube

Isa si Super Tekla sa mga sinusubaybayan ngayon dahil sa kaniyang nakakatawang jokes at videos na siyang bubuo sa iyong maghapon.

Ngunit ang pagiging isang komedyante ay maituturing din naman na isang anghel na ginamit ng Panginoon upang mamahagi ng biyaya at magbigay ng tulong sa karamihan.

Credit: Super Tekla Official Youtube

Mula sa bagong video na mapapanood sa YouTube channel ni Super Tekla, ay makikita ang naging munting selebrasyon nito nang matanggap ang kaniyang Silver Play Button, na nagsisilbing tropeyo ng mga vlogger na nakatungtong na ng 100,000 subscribers sa YouTube.

At dahil dumadami na ang mga supporters ni Tekla, biglang bahagi ng kaniyang munting selebrasyon ay naisipan niyang mamahagi ng maagang pamasko sa kaniyang mga katalsik at magbigay ng grocery package, na may kasamang pera na nagkakahalaga na 500 pesos sa kaniyang mga maswerteng mapipili.

Ilan sa mga nabigyan at natulungan ni Tekla ay mga vendor, food rider, security guard at mga pamilyang nakatira sa lansangan.

Credit: Super Tekla Official Youtube

Ayon kay Tekla, ang kaniyang sinuweldo sa isa sa kaniyang mga raket ngayon ay kaniyang ginamit pambili sa mga nabahagian niya ng maagang pamasko.

Sa ginawa na ito ni Tekla ay makikita ang kaniyang busilak na kalooban na ibahagi ang mga biyayang kaniyang natatanggap at tulungan ang mga taong nangangailangan.



Credit: Super Tekla Official Youtube

Sa kabila man ng pagod, labis ang kasiyahan na naramdaman ni Tekla na sa kahit sa maliit na kaniyang nagawang pagtulong ay marami syang napangiti at napasayang pamilya sa darating na kapaskuhan.

“Nakakapagod pero worth It at sarap sa pakiramdam na kahit papano, kahit sa konting paraan na pagbibigay natin ng gift sharing, giving back sa ating mga katalsik,”

The post Super Tekla, idinaan sa pamimigay ng mga pagkain at pera ang kanyang pasasalamat sa kanyang bagong natanggap na biyaya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments