Doug Kramer, may pasilip sa kanyang surpresang Christmas Gift na bagong sasakyan para sa kanyang asawa na si Chesca

Dahil ilang araw na lang ay muli na naman nating gugunitain ang siyang rason sa tuwing kapaskuhan, ang kapanganakan ni Hesus at muling masilayan ang mga ngiti na hatid ng mga naglalakihang regalo na ating natatanggap sa ating mahal sa buhay.

Tila ang pagdating nga ng buwan ng Disyembre ang hatid ay kakaibang kasiyahan at excitement sa bawat pamilyang sama-samang maidaos ang papalapit na kapaskuhan.

Credit: @dougkramer Instagram

Bukod sa masarap na kainan tuwing pasko, hindi naman mawawala ang pagbibigay ng mga regalo sa ating mga mahal sa buhay.

Kaya naman hindi pa man dumarating ang kapaskuhan, isang maagang regalo na ang siyang natanggap ng aktres na si Chesca Garcia-Kramer na regalo mismo ng kaniyang asawa na isang basketball player na si Doug Kramer.



Credit: @dougkramer Instagram

Mula sa larawang ibinahagi ni Doug sa kaniyang Instagram, ay makikita ang larawan nila ni Chesca na magkasama at makikitang katabi nito ang isang nakatakip na sasakyan na may pulang ribbon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Kwento ni Doug, ang paboritong sasakyan noon ni Chesca ay kinailangan nilang ibenta para sa kanilang mga pangangailangan at hindi kailanman dumating sa kanila na pinagtalunan nila ang pera.

“I know there are more important matters to you. But there are some things I don’t forget. I still remember the day we had to sell your favorite car to meet our needs. We never fought about money, you never complained either.

Credit: @dougkramer Instagram

I just lost some hair, but thats ok! Our joy is always fixed on Him! ❤🙏 I love our journey of lessons and sacrifices! Merry Christmas sweetheart!”

Kaya naman bilang isang regalo at maagang pamasko, naisipan ni Doug na regaluhan ang kaniyang asawa ng sasakyan na siyang magagamit nila ng kanilang pamilya.



Credit: @dougkramer Instagram

Makikita sa reaksyon ni Chesca ang labis na kasiyahan mula sa regalong kaniyang natanggap mula sa asawa.

Hindi pa man natatapos ang taon, ay tila’y magandang simula na ang naghihintay para sa kanilang pamilya ngayon.

The post Doug Kramer, may pasilip sa kanyang surpresang Christmas Gift na bagong sasakyan para sa kanyang asawa na si Chesca appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments