Aubrey Miles, ipinasilip ang kanyang nabiling lote na bunga ng kanyang pagbebenta ng mga halaman

Sa bawat pag-abot ng mga pangarap, kaakibat nito ang sipag at tiyaga na iyong dala-dala sa pagharap ng mga pagsub0k sa iyong buhay.

Kaya naman upang maabot ang mga ito, “Hard work is the Key” nga naman ang siyang solusyon para abutin ang bawat mithiin.



Credit: @milesaubrey on Instagram

Ganito mailalarawan ang tinaguriang “Celebrity Plantita Queen” na si Aubrey Miles sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga, upang maabot ang isang malaking investment na ito hindi lamang para sa kaniya kung hindi para na rin sa kaniyang pamilya.

Bunga ng kaniyang pagiging isang Plantita Queen na siyang naging daan upang gawin niyang pangkabuhayan ang pinakamamahal niyang mga halaman, ang siyang naging daan din para makapag-ipon at makabili ng lote.

Credit: @milesaubrey on Instagram

“Would you believe parts of this investment “ KATAS NG HALAMAN” maraming makaka relate dito.”

Mula sa pagbebenta niya ng mga halaman, ito ay nagsilbing isang investment para sa kaniya upang dalhin ang mga napag-ipunang pera mula sa pagbebenta hanggang sa pagbili ng isang property.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)


Sa Instagram ni Aubrey, ay makikita ang larawan nila ng kaniyang buong pamilya kasama ang asawa na si Troy Montero na nakatayo sa isang mataas na lote na siyang bagong bili pa lamang.

Ayon sa aktres, bunga ng kaniyang sipag at pagsusumikap ang siyang naging daan sa kaniya upang mabili ang lote na ito para sa kanilang pamilya.

Credit: @milesaubrey on Instagram

“As long as you’ve got passion, faith and are willing to work hard. You can do anything you want in this life.”

Tila ang blessing na ito para kina Aubrey ay isang magandang regalo na kanilang babaunin bago matapos ang taon at kanilang sisimulang buuhin sa bagong taon na paparating.



Credit: @milesaubrey on Instagram

Bilang isang Plantita Queen, hangad ng aktres ang magandang taon sa bawat isa at naniniwala siya na kakayanin din ng ibang katulad niya na nangangarap, nagsusumikap at ngayon ay may sarili ng property.

“Next year will be a better year for everyone. Let’s inspire each other and support one another. I believe anyone can do it. Go get it👏🏻 Keep planting and stay healthy.”

The post Aubrey Miles, ipinasilip ang kanyang nabiling lote na bunga ng kanyang pagbebenta ng mga halaman appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments