Anak ni Pokwang na si Malia, enjoy na tumulong sa paglalaba kasama ang kanilang kasambahay

Ang tamang pagpapalaki sa mga anak ay kaakibat ang tamang disiplina at paggabay sa mga aksyon at desisyon na kanilang gagawin sa buhay.

Ika nga ng karamihan, dapat simulan sa loob ng tahanan ang pagtuturo sa mga anak ng mga kabutihang asal at kasama na rin ang pagtuturo ng mga gawaing bahay upang sila ay lumaking may alam sa buhay.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Tila’y ganyan nga mailarawan ang tamang pagpapalaki ng aktres at komedyante na si Pokwang, sa kaniyang napaka cute at bibo na bunsong anak na si Malia O’Brian.



Busy man sa kaniyang trabaho ngayon, hindi naman nakakalimutan ni Pokwang ang kaniyang responsibilidad bilang isang ina at magulang kay Malia, at sa tuwing siya ay may libreng oras ginagamit niya ang mga ito upang turuan at alalayan ang kaniyang anak sa mga gawaing bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Habang bata pa lamang ay tinuturuan na ni Pokwang si Malia ng ilang mga gawaing bahay tulad na lamang ng pagwawalis at paglilinis ng kanilang tahanan.

At bahagi naman ng ilang mga gawaing bahay ay ang paglalaba, na siyang makikita din naman na tila’y marunong na umano si Malia sa pagkukusot ng mga damit.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Sa panibagong post na ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram, ay makikita ang video ni Malia na kung saan ay makikitang tumutulong ito sa paglalaba na ginagawa ng kaniyang Yaya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Kapansin-pansin na kahit maliit pa lamang ay tila’y marunong na ito sa paglalaba na siyang makikita ang pagkukusot nito at ang paglalagay ng ilang mga damit sa palanggana na may tubig at sabon.

Hindi rin naman nalalayo ang naging ayos ng buhok ni Malia na parang sanay na umano ito sa ganung gawain.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Dahil sa kasipagan na ipinakita ni Malia, isa namang nakakatawang caption ang nilagay ni Pokwang sa naturang video ng kaniyang anak, at sinabing marami pa umano ang mga nakapilang gawain si Tisay.

“hoy tisay @malia_obrian pagkatapos nyan mag saing kana at maglinis ng sahig daliiiii wala muna day off ha katataas ko lang ng sweldo mo!”



Credit: @itspokwang27 on Instagram

Tunay nga na habang bata pa lamang ay dapat na silang turuan ng mga gawaing bahay upang sila ay lumaki ng marunong at may kaalaman sa tamang pamumuhay.

The post Anak ni Pokwang na si Malia, enjoy na tumulong sa paglalaba kasama ang kanilang kasambahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments