Ivana Alawi, namigay ng maagang pamasko na mga pagkain at pera sa ilang mga taong lubos na nangangailangan bilang pasasalamat sa pagkakaroon nya ng 10M subscribers

Sa kabila ng kaniyang angking ganda at magandang pangangatawan, siya din ay iyong hahangaan sa kaniyang pagkakaroon ng busilak na kalooban na tumulong sa mga nangangailangan at magbigay ng regalo lalo na sa paparating na kapaskuhan.

Pahinga muna sa mga challenge at prank dahil ang bagong video na ito ng aktres at sikat na YouTube vlogger na si Ivana Alawi, ay nagsilbing maagang pamasko para sa ilang kababayan natin.

Credit: Ivana Alawi Youtube

At bilang isang YouTube vlogger ay nakamit na din ng aktres ang 10 milyong subscribers sa YouTube channel nito, kaya naman bago simulan ang pagbibigay ng maagang pamasko siya ay sinopresa muna siya ng kaniyang pamilya para sa bagong milestone na ito sa kaniyang buhay.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Mapapanood sa video ni Ivana ang ginawang paghahanda nina Mona, Hashim at Mommy Fatima para sa planong sorpresa para sa aktres.

Kwento ni Mona na mas gusto umano ng kaniyang Ate Ivana na imbis na maghanda ng magarbong selebrasyon sa kaniyang nakamit na 10 million subscribers, ay ibahagi na lamang ang perang gagastusin dito sa mga taong nangangailangan.

Kaya naman ay naisipan nila Mona na sopresahin si Ivana ng isang simpleng selebrasyon, mula sa pagluluto ng sampung inihaw na manok, laing, sisig at isang cake upang ipagdiwang ang bagong milestone na ito para sa aktres.

At sa pagsorpresa kay Ivana ay makikita ang labis na kasiyahan dito ng masilayan ang ginawang munting paghahanda ng kaniyang pamilya.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Matapos naman ang simpleng selebrasyon na ito, ay nagtungo na si Ivana sa grocery upang bumili ng mga pagkain na siyang ipapamahagi niya sa mga nangangailangan.

Mula sa mga prutas, ham, at ilan sa mga paboritong pagkain ng aktres, ay naisipan din niyang magbigay ng sampung libo sa mga taong kaniyang mabibigyan nito.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ilan sa mga natulungan ng aktres ay ang mga pamilyang nakatira sa lansangan, kaya naman ang malaking regalo na ito sa kanila ay nagbigay na labis na kasiyahan sa mga pamilyang kaniyang natulungan.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Hindi lamang butihing anak at kapatid si Ivana kundi siya rin ay may butihing puso sa kaniyang mga kababayan na handang tumulong ano mang oras.

The post Ivana Alawi, namigay ng maagang pamasko na mga pagkain at pera sa ilang mga taong lubos na nangangailangan bilang pasasalamat sa pagkakaroon nya ng 10M subscribers appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments