Jinkee Pacquiao, ipinakita ang kanilang napakataas at napakagandang Christmas Tree na punong puno ng mga dekorasyon

Magmula sa mga makukulay at naggagandahang mga parol at Christmas Tree, tila’y hatid nga nito ang kakaibang good vibes hindi lamang sa ating ilang mga kababayan kundi pati na rin sa ilang mga celebrities.

Ang magagandang palamuti na makikita sa loob ng tahanan ay nagsisilbing mga liwanag ng bituin na nakasabit sa bawat sulok ng ating tahanan.



Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Sa mga nakaraang linggo ay ating nasilayan ang iba’t-ibang Christmas decorations ng ilang mga celebrities na makikita sa kanilang bahay.

At isa na nga sa pinakainaabangan ng karamihan ang Christmas tree na siyang nakaayon sa kanilang gustong disenyo para sa paparating na kapaskuhan.

Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Kaya naman hindi nagpahuli si Jinkee Pacquiao at kaniya rin naman ibinahagi sa publiko ang kakaiba at napakagandang Christmas tree nito na makikita sa kanilang bahay ngayon sa General Santos City.

Sa kaniyang Instagram account ay makikita ang kakaibang design ng kaniyang Christmas tree, na tila’y nagsilbing isang flamingo theme design na siyang makikita dahil sa makukulay na flamingos, swans, beads, ribbons, at flowers na nakasabit mula dito.

Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Bukod sa mga makukulay na dekorasyon ng kaniyang Christmas tree ay kapansin-pansin din naman ang kulay nito na pinaghalong pink at puting kulay na siyang nagbigay kagandahan sa dekorasyon nyang ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Dahil dito marami namang netizen ang namangha at tila’y ramdam na ramdam na din nila ang paparating na kapaskuhan dahil sa disenyo na kanilang nasilayan sa Christmas tree ni Jinkee.

“Love that tree soo much 🎄✨

“Wow beautiful tree 😍

Marami man ang pinagdaanan ng bawat pamilya ngayong taon, hinding-hindi pa din maaring mawala ang nakasanayan na selebrasyon sa tuwing sasapit ang kapaskuhan, at ang pagbibigayan ng mga regalo na sa ating mga mahal sa buhay.



Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Magmula sa mga makukulay at naglalakihang Christmas tree na ito ang tanging dahilan at rason ng ating kapaskuhan, ang siyang pagdating ng Panginoon ang mangingibabaw pa din sa bawat pamilyang sama-sama ngayong pasko.

The post Jinkee Pacquiao, ipinakita ang kanilang napakataas at napakagandang Christmas Tree na punong puno ng mga dekorasyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments