Andi Eigenmann, sobrang saya sa kanilang beach vacation kasama si Philmar at kanyang mga anak

Kung namimiss mo ng lumangoy at muling ma-enjoy ang beach activities, isama na rin ang laging inaabangan ng lahat ang magandang sunset, ay pinaguradong hahanap-hanapin mo ang hatid nitong kaginhawaan.

At dahil diyan ay hindi naman nagpahuli ang pamilyang Happy Islanders at isang masayang family getaway ang kanilang ibinahagi sa publiko, na siyang mapapanood sa kanilang YouTube channel.

Credit: Happy Islanders Youtube

Labis man ang pagkamiss sa beach at paninirahan sa Isla, naisipan ng aktres na si Andi Eigenmann at kasintahan nito na si Philmar Alipayo na sulitin ang kanilang panahon na magkakasama bilang pamilya at nagdesisyung mag-beach vacation.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa kanilang pagdating sa Solitude Acacia Resort na matatagpuan sa Batangas, ay hindi maitatanggi ang kanilang labis na kasiyahan na muling masilayan ang ganda ng dagat at ang sariwang hangin na nagmumula dito.

Pagdating sa kanilang tutuluyang kwarto, mapapansin naman ang napakagandang overlooking na siyang makikita hindi lamang ang ganda at linaw ng dagat, kundi pati na rin ang ganda ng lugar at isama na rin ang swimming pool.

Credit: Happy Islanders Youtube

Upang simulan ang masayang bakasyon nina Andi, kaniya-kaniyang activities naman ang kanilang ginawa, na sinimulan ni Philmar sa pagscuba diving.

Credit: Happy Islanders Youtube

Samantalang ang panganay na anak naman ni Andi na si Ellie ay labis namang na-enjoy ang bubble maker’s class nito na siyang masusubukan pa lamang nito sa unang pagkakataon.

Bilang isang ina, masaya umano si Andi na masilayan ang kaniyang panganay na sinusubukan nito ang ilang mga water activities na siyang labis nyang ikinatuwa.

Kasalukuyan mang ipinagbubuntis nya ang ikatlong anak, hindi naman naging hadlang ito para sa aktres upang ma-enjoy din ang paglangoy kaya naman sinamahan din niya si Ellie sa pag-snorkeling.

Credit: Happy Islanders Youtube

At kung hinahanap mo naman ang napaka cute na si Baby Lilo, hindi naman din ito nagpahuli at na-enjoy din ang pag-upo sa pangpang at ang pagligo sa pool na may suot na salbabida na siyang nagsilbing kaniyang suporta.

Sa pagtatapos ng video ay sinulit naman nilang buong pamilya ang pag-iikot sa beach at pinuntahan ang Sombrero Island.



Credit: Happy Islanders Youtube

May pandemya mang kinakaharap, labis naman ang kanilang naging pag-iingat buong pamilya at sinunod pa din ang mga safety protocols pagpunta sa isla.

The post Andi Eigenmann, sobrang saya sa kanilang beach vacation kasama si Philmar at kanyang mga anak appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments