Pokwang, masayang nakipag bonding sa kanyang anak na si Malia habang inaayusan sya nito

Kung namiss mo ang kaniyang mga nakakaaliw na larawan at bidyo, magmula sa kaniyang mga inosenteng galaw at kilos, narito na naman ang mga bago nyang eksena na siyang bubuo ng iyong araw.

Masilayan pa lamang ang nag-iisang “Tisay” ng masa, ay tiyak na hahanap-hanapin mo na ang kaniyang mga napaka cute na eksena sa tuwing kasama niya ang kaniyang Mommy na isang mahusay na aktres at komedyanteng si Pokwang.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Busy man si Pokwang sa kaniyang trabaho, hindi nakakalimutan ng aktres ang kaniyang responsibilidad bilang isang butihin at mapagmahal na ina para sa kaniyang bunsong anak na si Malia O’Brian.

At bahagi nga ng kanilang bonding moments mag-ina ay ang pagsayaw, pagkanta, paglilinis ng bahay at syempre ang bagay na hindi mawawala sa ilang mga kababaihan ang pagme-make up.



Credit: @itspokwang27 on Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na bahagi ng trabaho ni Pokwang ay ang pag-aayos at paghahanda sa kaniyang trabaho, at isa na nga dito ang pag-aayos sa sarili at pagme-make up.

Kaya naman ang kaniyang bunsong anak na si Malia, ay hindi rin naman nagpahuli at nagpaganda rin tulad ng kaniyang Mommy Pokwang.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Sa bagong video ni Malia ay makikitang sobrang na-enjoy nito ang bagong regalo na kaniyang natanggap ngayong pasko, at ito nga ay walang iba kundi ang make-up na pwede sa kaniyang edad.

“Happy naman si tisay @malia_obrian sa natanggap nyang regalo hahahhahaa halata ba?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


At dahil lubos na natuwa sa regalong kaniyang natanggap, makikitang sinubukan na ni Malia na ito ay gamitin, at kapansin-pansin na hindi lamang ang kaniyang mukha ang pinaganda kundi pati na rin ang mukha ng kaniyang Mommy Pokwang ay nilagyan niya din ng make-up.

“Wooohoo ano ba anak nangyare satin?? akala koba gaganda tayo? hahahahahaha ne beyen??? kumapit ako sa pangako mo anak e hahahha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Makikitang hindi pa man marunong si Malia sa tamang paglalagay ng make-up, hindi naman maitatago ang pag-e-enjoy nito kasama si Pokwang.

Ayon pa umano sa aktres, ay tila’y may pinapagandahan umano si Malia kaya todo make-up ang siyang makikita sa mukha ng kaniyang anak.

“Yung nag make up ka at nagpaganda dahil meron kang date, tapos bigla mo naalala ooppsss… wala nga pala akong boyfriend hahahhahaaa.”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Maliit pa lamang si Malia, pero makikita at mararamdaman mo na ang labis na suporta ni Pokwang para sa kaniyang anak na siyang hindi mapapalitan ng kahit anong materyal na bagay.

The post Pokwang, masayang nakipag bonding sa kanyang anak na si Malia habang inaayusan sya nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments