Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang kanyang pagpili ng kanyang bibilhing bagong sports car

Nag upload ang singer at Youtuber na si Donnalyn Bartolome ng kanyang Vlog sa pagbili ng kanyang bagong sports car bilang regalo sa kanyang sarili.

Credit: Donnalyn Bartolome Youtube

Bago pa man bumili ay nag share muna ito ng kanyang mga thoughts kung bakit naisipan nito na bumili ng ganitong sasakyan.

Makikita na mayroon itong napakagandang loob dahil nasabi nito na dati ay naiisip niya lagi ang mga iba’t ibang tao kasama na ang kanyang family sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo at pagtulong sa nangangailangan. Kaya ngayon, naisipan nito na maglaan ng pera para sa kanyang sarili muna.



Credit: Donnalyn Bartolome Youtube

Napagdesisyunan ni Donnalyn na bumili ng sports car para sa kanyang sarili. Nakakatuwa na habang ito daw ay nasa showroom, ibang tao nanaman ang nasa isip niya. Naisipan niya daw bilhan ang kanyang mommy ng sasakyan.

Nang makapunta na sa bibilhan na store ay nakakita sya ng helicopter at nagbiro na hindi na siya bibili ng sports car kung kundi helicopter.

Credit: Donnalyn Bartolome Youtube

Dito talaga nakita ang kabutihan ng puso ni Donnalyn dahil gusto niya itong bilhin lalo na sa panahon noong bagyo na makakatulong sa mga tao.

Credit: Donnalyn Bartolome Youtube

Nagkaroon pa ito ng trivia time kung bakit mas mahal ang vintage car sa mga brand new. Ayon sa kanya, ito ay mas mahal hindi na sila gumagawa ng maraming models dahil ito ay for collection purpose nalang.

Credit: Donnalyn Bartolome Youtube

Ngunit, itong mga ito ay parang brand new pa rin dahil nirerestore ang mga ito. Nakuha pang humugot ni Donnalyn dahil sana pati ng puso daw ay pwede rin irestore.



Matapos ang napaka kwelang pagpili nito sa mga sasakyan ay nakapili na si Donnalyn ngunit hindi niya ito napakita dahil wala pang available sa kanyang napili.

Ayon kay Donnalyn, ang kanyang new sports car ay makikita sa kanyang susunod na music video. Napakasaya ng naging car shopping ni Donnalyn dahil sa kwela, trivia at nga hugot nito habang namimili.

The post Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang kanyang pagpili ng kanyang bibilhing bagong sports car appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments