Anne Curtis at Erwan Heussaff, masaya ang naging bakasyon kasama ang kanilang anak na si baby Dahlia Amelie

Kung ikaw ay naghahanap ng magandang lugar upang mag relax at maglibang kasama ang iyong pamilya, ang Wineglass Bay ang perfect para sa inyo.

Bukod sa mga naggagandahang tanawin na makikita mula dito, ay kakaiba din naman ang hatid na beach vibes na siyang makikita ang magandang tanawin ng dagat, pati na rin ang matatayog na bato na tila`y mga bundok na siyang perfect naman para sa mga gustong mag rock climbing.

Credit: @erwan on Instagram

Dahil sa ganda ng Wineglass Bay, hindi pinalagpas ng celebrity couple na sina Anne Curtis at ang asawa nito na isang YouTube vlogger na si Erwan Heussaff na masilayan ang magandang tanawin na ito, at sulitin ang mga panahon na sila ay magkasama.



Credit: @erwan on Instagram

Ngunit hindi lamang ang mag-asawa ang siyang nag-enjoy kundi pati na rin ang kanilang anak na si Dahlia, na tila`y isang baby doll dahil sa angking ganda nito na siyang namana niya sa kaniyang mga magulang.

Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Anne at Erwan sa kanilang magkahiwalay na Instagram account, ay makikita ang kanilang masayang family bonding sa Wineglass Bay, na ayon naman sa aktres ay nagsilbing kaniyang paboritong workout ang pagpunta dito.

“My new favorite kind of workout – Hikes & walks with this little girl strapped to me, swinging her happy little feet to and fro ✨ Kinda feels like being pregnant all over again.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Mula naman sa larawan ni Erwan kasama si Baby Dahlia ay makikitang magkamukha talaga ang mag-ama, hindi lamang sa kanilang mukha kundi pati na rin sa kanilang mga kasuotan.

Sa masayang family bonding na ito nina Anne, Erwan at Baby Dahlia ay marami namang netizen ang nagbigay ng kanilang masayang kumento para sa kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)


“The most beautiful photo of yours anne no make up photo natural beauty is my favorite 😃👍♥

“Cutiepies! Happy you guys get to travel again.”



Credit: @erwan on Instagram

“Woww nice shot ms. @annecurtissmith nakasmile dn c baby dahlia.”

“So gigil over the babyfat spilling out of her cute lil boots 😆😆😆

The post Anne Curtis at Erwan Heussaff, masaya ang naging bakasyon kasama ang kanilang anak na si baby Dahlia Amelie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments