Jinkee Pacquiao, ibinahagi ang kanilang larawan kasama si Mommy Dionisia habang nasa isang masayang hapunan sa kanilang nakapagandang bahay

Isa sa mga pinaka pinapahalagahan ng mya Pinoy ay ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa buong pamilya. Close family ties ika nga nila, dito kilala ang mga Pilipino.

Madalas nakikita ito sa mga reunion, Pasko, may birthday, New Year at iba pang mga okasyon na pwedeng mag tipon ang buong pamilya.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Hindi lang sa mga ganitong special na okasyon nagkakasama ang mga Pinoy. Isang kultura ng mga Pilipino ay ang pagkain ng sabay sabay sa hapag. Ito ay isa sa mga iniingatang kultura ng mga Pinoy na nais ipasa sa mga susunod pang henerasyon.

Hindi nawawala sa bawat pamilya ang mga salu salo. Kahit simpleng handaan lamang ay masaya na dahil sama sama ang bawat miyembro ng pamilya.

Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Sumusimbolo ito na nagkakaisa ang mga Pilipino lalo na sa loob ng pamilya. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng pamilya sa isang tao. Ito ang nagsisilbing pundasyon at sandigan kapag sa oras ng hirap at ginhawa.

Napakasayang tignan ng pamilyang Pacquiao sa Instagram post ni Jinkee Pacquiao na may caption na ‘Dinner time with my lovely family’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Kasama sa picture na ito ay ang kanyang mga anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie). Andito rin ang kanyang asawa na si Senator Manny at ang kanyang ina na si Mommy Dionisia.



Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Malaki ang naging role ng pamilya ni Senator Manny sa panahon na siya ay nagsisimula palang sa kanyang karera. Nandyan ang kanyang pamilya sa panahon na siya ay nananalo sa boxing kasama niya itong nag cecelebrate sa bawat tagumpay. Sila din ang nagcocomfort sa kanya sa panahon na ito ay nasa kabiguan.

Hanggang sa siya ay naging politician ay nakasuporta parin ang kanyang buong pamilya.

The post Jinkee Pacquiao, ibinahagi ang kanilang larawan kasama si Mommy Dionisia habang nasa isang masayang hapunan sa kanilang nakapagandang bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments