Paolo Contis, ipinakita kung gaano kagaling umarte ang kanilang anak ni LJ Reyes na si Summer

Isa ang Kapuso actor na si Paolo Contis sa mga hinangaan sa kaniyang angking galing pagdating sa pag-arte, mapa teleserye o pelikula man.

Kamakailan nga ay mas lalong hinangaan ng publiko ang galing ni Paolo, ng maging sikat ang pelikula na kanilang ginawa ni Alessandra De Rossi ang “Through Night and Day” na siyang labis na pinag-usapan ng publiko ng masilayan ang ginampanang role ng aktor sa pelikula.

Credit: Paolo Contis Instagram

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktor, si Paolo din naman ay isang mapagmahal na ama sa kaniyang anak na si Summer Ayanna at butihing kasintahan sa kaniyang partner na isa ring mahusay na aktres na si LJ Reyes.



Credit: Paolo Contis Instagram

At kung ikaw ay kanilang napabilib at napaiyak sa kanilang husay sa pag-arte, hindi naman magpapahuli ang kanilang anak na si Summer at nakisabay din naman sa acting 101 kasama ang kaniyang Daddy Paolo.

Isa sa mga bonding moments ni Paolo at Summer ay ang acting workshops nila mag-ama na si Paolo mismo ang siyang Director at si Summer ang kaniyang artista.

Credit: Paolo Contis Instagram

Sa video na ibinahagi ni Paolo sa kaniyang Instagram ay makikita ang kanilang tila`y acting workshop ni Summer at bilang isang kunyaring director nito, ay tinuruan niya si Summer kung paano maging malungkot at biglang ngingiti sa harapan ng kamera.

Credit: Paolo Contis Instagram

“Ang #Acting101 workshops walang nalalamang Christmas Break! Kailangan laging handa! Medyo advance acting na to ha! Malungkot, tapos tatawa??? Anak!! Pwede ka na sa baliw roles! 😂😂😂

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Sa ipinakitang reaksyon ni Summer hindi kataka-taka na nasunod niya ang gustong mangyari ng kaniyang Daddy kaya naman ayon kay Paolo, maaari ng sumabak sa baliw role ang kaniyang anak.

Credit: Paolo Contis Instagram

Dahil dito ay umani naman ng maraming reaksyon ang acting 101 na ito ni Summer at maraming netizen ang natuwa at nakitaan nila ng potensyal na maging isang artista tulad ng kaniyang magulang paglaki.

“Pedeng pede na cia mag artista.”

“Ang cute hahaha. Very good naman sa acting. Kahawig ni @lj_reyes”



Credit: Paolo Contis Instagram

👏praktisado na eto! Galing galing na bata😍

“Ang cute talaga. Pwede na maging artista😍👏

The post Paolo Contis, ipinakita kung gaano kagaling umarte ang kanilang anak ni LJ Reyes na si Summer appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments