Megastar Sharon Cuneta, namigay ng Christmas bonus sa kanilang mga kasambahay at ipinaghanda pa sila ng masasarap na pagkain

Natapos man ang pagdiriwang ng kapaskuhan, hindi naman dito natatapos ang tunay na dahilan kung bakit natin ipinagdiriwang ang Kaniyang kapanganakan.

Bukod sa ang Disyembre ay ‘Season of Love’, ito rin naman ang panahon ng pagbibigayan sa ating mga mahal sa buhay.



Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

At dahil hindi pa lubusang natatapos ang taon, isa namang masayang regalo ang siyang natanggap hindi lamang ng isa kundi lahat ng kaniyang mga katuwang sa paglilinis at pag-aayos ng bahay, pag-aalaga sa kaniyang mga anak at pati na rin ang bawat araw na sila ay magkakasama bilang isang pamilya.

Nakilala ng publiko bilang isang “Mega Star” na si Sharon Cuneta at hinangaan sa kaniyang angking galing pagdating sa kantahan at pag-arte mapa pelikula man o telebisyon.

Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Bukod sa pagiging isang celebrity at huwarang ilaw ng tahanan sa kaniyang mga anak, siya rin naman ay hindi nakakalimot sa kaniyang responsibilidad bilang isang amo sa kaniyang mga kasambahay.


At natapos man ang pasko, ngunit dama pa din ang Christmas vibes kaya naman ito rin ang araw na alalahanin ang h!rap at pag0d na inilaan ng mga itinuturing na Yaya ni Sharon, at magbigay ng Christmas bonus sa mga ito ngayong pasko.

Sa video na ibinahagi ng Mega Star sa kaniyang Instagram account ay makikita ang masasayang ngiti sa mukha ng kaniyang mga Yaya, habang isa-isang naipapamahagi ang mga brown envelope na naglalaman ng kanilang mga Christmas Bonus.


Bilang bahagi na rin ng kaniyang pamilya, hindi nakalimutan ni Sharon na sila ay alalahanin at magbigay ng kasiyahan ngayong kapaskuhan sa pamamagitan ng mga sobreng kanilang ibinigay.

Nakita man ang labis na kasiyahan sa kanila, marami din namang mga netizen ang natuwa at hiniling na sana si Sharon na lamang ang kanilang amo.

“Baka pwede pa po mag apply 😂😂 Hahahaha merry Christmas po! 😍



Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

“Pangarap ko maging Yaya, yaya ni Sharon Cuneta”

“Sana all may pa bonus 😂

“Such a generous soul 💙

The post Megastar Sharon Cuneta, namigay ng Christmas bonus sa kanilang mga kasambahay at ipinaghanda pa sila ng masasarap na pagkain appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments