Jake Ejercito at anak na si Ellie, kinaaliwan ng mga netizens matapos ipamalas ang kanilang kulitan moment sa kanilang bakasyon sa Japan

Sa kabila ng napakasaya at mapayapang pamumuhay sa isla ng Siargao, ay pareho ngang in-eenjoy ngayon ni Ellie Eigenmann ang masayang buhay sa isla pati na rin ang buhay sa lungsod kasama ang kaniyang celebrity dad na si Jake Ejercito.


Credit: @unoemilio on Instagram

Hindi man nauwi sa happy ending ang naging relasyon noon ng dating aktres na si Andi Eigenmann at Jake, ay hindi naman naging hadlang ito upang maipadama ang kanilang pagmamahal sa anak.

Sa katunayan nga nito ay isa na namang masayang father-daughter bonding moment ang ibinahagi ng Kapamilya actor na si Jake sa kaniyang social media account, na humakot nga ng maraming reaksyon at papuri mula sa mga netizens.


Credit: @unoemilio on Instagram

Nito lamang nakaraan ay ibinahagi ng aktor sa kaniyang Instagram ang kanilang masayang pamamasyal sa Tokyo, Japan.

Matatandaang ika-18 ng Marso, nang ibahagi ni Jake sa kaniyang Socmed page ang litrato kasama ang anak na si Ellie sa kanilang pagdating sa Tokyo, Japan.


Credit: @unoemilio on Instagram

At sa kanilang pagbabakasyon sa Japan, ay talaga nga namang makikitang sinusulit ng mag-ama ang bawat oras na sila ay magkasama, at mapuntahan ang ilan sa mga naggagandahang pasyalan doon.

Kilala nga ang Japan sa pagkakaroon ng napakagandang puno ng bulaklak, na kung tawagin ay cherry blossom o mas kilala bilang ‘Sakura’, na kung ilalarawan ay tila isa itong maliit na bulaklak na kulay rosas.


Credit: @unoemilio on Instagram

At dahil Sakura sa Japan, ay nasaksihan nga ito nina Jake at Ellie na siyang ibinahagi ng aktor sa kaniyang latest post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Makikita sa mga litrato ang masayang bonding moment ng mag-ama, habang makikita naman sa kanilang likuran ang mga naggagandahang cherry blossoms.


Credit: @unoemilio on Instagram



Samantala, sa kaparehong post rin ng aktor ay kinaaliwan ng mga netizens ang video na ibinahagi ni Jake na kung saan ay makikita ang mag-ama na naglalakad.

Sa video ay makikitang habang naglalakad ang mag-ama ay biglang naisipan na sumakay ni Jake sa likod ni Ellie upang magpabuhat rito.


Credit: @unoemilio on Instagram

At dahil hindi kinaya ni Ellie ang bigat ng kaniyang ama ay makikitang halos napaupo na nga ito sa sahig, na siyang agad namang nakatayo rin at binawian ang ama sa pamamagitan ng paghila at pagtulak dito.

Talaga nga namang makikita na tila mag-barkada nga kung maituturing ang magandang relasyon ng mag-ama, na siyang naghatid naman ng good vibes sa mga netizens at maging sa kanilang kasamahan na kumuha ng kanilang video.


Credit: @unoemilio on Instagram

😂😂😂 natulak ka tuloy! Hahaha”

“Ayan natumba tuloy kayo😂

“So sweet Naman cool daddy para lang magkabarkada😍😍❤❤


Credit: @unoemilio on Instagram

“The giggling female behind the cam 🤗

“Nakaka happy naman to 😍 para lang kaung magkapatid 😊

The post Jake Ejercito at anak na si Ellie, kinaaliwan ng mga netizens matapos ipamalas ang kanilang kulitan moment sa kanilang bakasyon sa Japan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments