Yassi Pressman, may pasilip sa kanyang ipinapagawang bahay kasabay ng kanyang pagdiriwang ng halloween

Isang buwis buhay na pagganap naman ang siyang masasaksihan na ginawa ng Dance Floor Princess at mahusay na aktres, na si Yassi Pressman para makisabay sa mga celebrity na nagdiwang ng kanilang Halloween.



Sa Instagram post ni Yassi noong Sabado, October 31 ay makikitang nakasuot ito ng isang Maleficent costume, na inspired sa isa sa mga sikat na movie noon na ‘Maleficent’ na ginampanan ng Hollywood actress na si Angelina Jolie.


Sa video ay makikitang nakatayo si Yassi sa mataas na bahagi ng kaniyang ipinapagawang bahay, at makikitang walang halong takot niya itong nairaos para magampanan ang kaniyang napiling role.

“Almost fell shooting this video as i climbed up the scaffolding without a harness lol but… whatever… Halloween only happens once.

Credit: Yassi Pressman Instagram

“Well, well… Would you want a Trick or would you want a Treat?” Maleficent #HappyHalloween @chocomuchoph”



Ayon sa aktres tinawid niya ang mga scaffolding para makapunta sa ikatlong palapag ng pinapagawa niyang bahay, at maingat na mga hakbang ang kaniyang ginawa upang hindi mahulog.

“BTS of how i got to the 3rd floor of my construction site through the scaffolding for my last #Halloween2020 @ChocomuchoPH Trick or Treat post! 😂 I was careful!!! Kasi… baka ma-fall Everything for the gram, they say. Hello, @influencersinthewild HAHA”


Dahil sa ipinakitang tapang at effort ni Yassi para sa kaniyang pagganap bilang si Maleficent, marami namang netizen ang humanga at napabilib sa ginawa ng aktres.

“Hahahaha im proud of u nayyyy iba talaga pag laking fit n right 😅💪🏻

Credit: Yassi Pressman Instagram

“Opppss! grabe eh you are the risk i will always take. 😎 ingat”

“Grabe ka yassi love napakatapang mo”

“Naku naku mahal naming Alyana magagalit nanaman si Cardo nyan! 😅😅😅 but.. ang galing mo ah! 👏😊



Credit: Yassi Pressman Instagram

“Parang mission impossible Lang hahaha❤😉✌

Kasalukuyan namang mapapanood si Yassi bilang si Alyana sa serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” na siyang mapapanood sa A2Z channel 11 analog TV sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.”

The post Yassi Pressman, may pasilip sa kanyang ipinapagawang bahay kasabay ng kanyang pagdiriwang ng halloween appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments