Vlogger na si Mimiyuuuh, masayang ipinasyal ang kanyang mga tagahanga sa kanyang magandang bagong nabili na bahay

Ang sikat na vlogger na si Mimiyuuuh ay nakapundar na ng sarili niyang bahay sa murang edad. Simula sa house searching vlog ni Mimiyuuuh ay sinama niya ang kaniyang fans sa journey na ito at ika nga niya ay ito ay “dream come true”.



Credit: Mimiyuuuh Youtube

Sa kaniyang vlog ay naghouse tour na rin ang vlogger na matagal nang hinihintay ng kaniyang mga fans. Sinabi ni Mimiyuuuh na noong nakita nila ang bahay na iyon ay nasabing niyang “this is it” at ito ang sabi niya “Pagkapasok ko dito sa bahay na ‘to, sobrang na-feel ko ‘yung home, kasi siguro marami siyang plants.”

“Hindi siya ganon kalaki, pero basta kapag na-feel mo ‘yung home vibe, yun na po talaga… Ito na ang pinili namin.” Dagdag pa niya.

Credit: Mimiyuuuh Youtube

Pagpasok sa kaniyang bahay ay bubungad na agad ang kitchen, dining area at living area ngunit pagkapasok mo rin ay sasalubungin ka rin ng view ng kanilang swimming pool. Ang bahay ni Mimiyuuh ay maaliwalas dahil maraming natural lighting ang pumapasok dito.

Credit: Mimiyuuuh Youtube

Wala pang masyadong furnitures at ang hagdan sa bahay ay hindi pa tapos ngunit sabi ni mimiyuuuh ay one step at a time ang ginagawa nila sa kanilang bahay. May kani-kaniyang mga rooms na ang mga kapatid ni mimiyuuh at ang kaniyang mga magulang. Nashare ng vlogger na noon ay siksikan lamang sila sa iisang kwarto.

Credit: Mimiyuuuh Youtube

Ang favorite spot naman niya ay ang kanilang balcony dahil mahilig daw siyang mag star gazing. Pinakita rin ni mimiyuuuh ang kanilang mga japanese toilets at sabi pa niya ay papapalitan nalang niya ito ng bidet dahil magastos umano sa kuryente ang mga iyon at hindi malakas ang buga ng tubig.



Credit: Mimiyuuuh Youtube

Kilalang kilala ang vlogger na si Mimiyuuuh sa kaniyang pagiging funny at pagkakaroon ng iba’t ibang creative contents. Maraming nagviral na video ang vlogger dahil sa kaaliw-aliw nyang contents. Unang sumikat si mimiyuh sa pagtrending ng “dalagang pilipina challenge” niya na naging patok na patok sa mga netizens.

Credit: Mimiyuuuh Youtube

Sobrang naging sikat nito at ginaya na rin ng iba ang challenge na iyon kung saan nagpopose sila ng pagpapacute habang tumutugtug ang dalagang pilipina na kanta.

 

Talaga nga namang nakakabilib ang success ni Mimiyuuuh at maraming netizens ang namamangha sa dedikasyon at kasipagan ng content creator. Marami ring mga kabataan ang naiinspire ang vlogger dahil sa murang edad ay unti unti na niyang nakakamit ang kaniyang mga pangarap.

The post Vlogger na si Mimiyuuuh, masayang ipinasyal ang kanyang mga tagahanga sa kanyang magandang bagong nabili na bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments