Melai Cantiveros at Jason Francisco, nagdala ng iba’t ibang klase ng street food sa bahay nina Doc Vicki Belo at Doc Hayden Kho

Isa sa mga pagkaing pinoy na talaga namang ating gustong gusto at binabalik balikan ay ang mga Pinoy street foods.

Ang iba’y talagang dinadayo pa ito para makakain lamang ng mga street foods.



Credit: Dr. Vicki Belo Youtube

Kaya naman, sa isang video vlog ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco sa Youtube page ni Doc Vicki Belo ay chinallenge nila ang mag-asawang sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na kumain ng Pinoy street food.

Credit: Dr. Vicki Belo Youtube

Una sa listahan na dapat nilang tikman ay ang Penoy. Ilan din sa kanilang hinapag ay ang mga isaw, paa ng manok, betamax, kwek kwek (quail eggs) at kikiam.

Nang alukin naman ng isaw ay tila nagdalawang isip na si Dra Vicki.

Credit: Dr. Vicki Belo Youtube

“I don’t want to know what’s inside. Walang lumabas. Kapag malinis, walang lumalabas? Masarap,” saad ni Belo.

Tinanong naman niya kung ano pinaka safe daw sa mga ito pero ayon kay Jason ay wala naman daw safe sa mundo.



Credit: Dr. Vicki Belo Youtube

“Ano, may brain ba ’yan (does it have a brain) or what?” tanong pa ni Doc.

“Yes doc, the brain is the best for the mind,” saad naman ni Melai.

Credit: Dr. Vicki Belo Youtube

Mas hindi na kinaya ni Doc nang pakainin na siya ng adidas o chicken feet.

“This looks really scary. Oh no I really cannot do this. I’m sorry ikaw na lang (you do it) for me. No, I cannot (eat it). It’s so scary it looks like a claw, it looks like a hand,” sambit naman ni Dra. Belo at kausap ang kanyang asawang si Dr. Hayden.

Credit: Dr. Vicki Belo Youtube

Kaya naman, nang kainin na ito ni Hayden at tila nagbiro pa ito at sinabing, “Imagine mo lang kinakamot ang dila mo. Parang lengua lang ‘yan, eh. Habang nilalasahan mo, nilalasahan ka rin,” pabirong pahayag ni Doc Hayden.



Credit: Dr. Vicki Belo Youtube

Sa kabila nito, naging matagumpay naman sila sa challenge at nag enjoy ang lahat sa panonood sa kanilang tawanan, kulitan kasabay ng pagsagot ng ilang katanungan.

The post Melai Cantiveros at Jason Francisco, nagdala ng iba’t ibang klase ng street food sa bahay nina Doc Vicki Belo at Doc Hayden Kho appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments