Maine Mendoza, ibinahagi ang masayang larawan nila ng kasintahan nyang si Arjo Atayde kasabay ng kaarawan nito ngayong araw

Tila`y “Love is in the air” nga naman ang siyang nangibabaw sa celebrity couple na si Maine Mendoza at Arjo Atayde, mula sa naging selebrasyon ng kaarawan ni Arjo kasama ang kaniyang pamilya.



Credit: Jojo Atayde Instagram

Sa Instagram post ng ina ni Arjo na isa ring mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez, ay ibinahagi nito ang kanilang simple at masayang selebrasyon para sa kaarawan ng kaniyang anak at makikita rin na nakasama nila si Maine sa naturang selebrasyon.

“Masaya ako anak @arjoatayde kasi alam kong masayang masaya ka.❤ Maligayang kaarawan sayo. Love you💋💋💋 #family #happiness #grateful #blessed #thankuLORDHappy morning”


Dahil dito hindi naman nagpahuli si Maine na batiin ang kaniyang kasintahan sa kaarawan nito, kaya naman nagbahagi din siya sa kaniyang Instagram ng larawan nila ni Arjo na magkasama at kapansin-pansin ang kanilang pagiging sweet at close sa isa`t-isa.

 

View this post on Instagram

 

happy birthday ♡

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on


Mula sa kanilang napaka-cute at sweet pictures, hindi naman napigilan ng ilang netizens na kiligin at batiin ang aktor sa kaniyang kaarawan ngayon, November 5.

“OMG!!! LOVE IS IN THE AIR!!😍😍😍



“LOVE LOVE STAY HAPPY AND INLOVE TO THE BOTH OF YOU 😍😍😍😍😍

Credit: Maine Mendoza Instagram

“Omggg i love the pictures 😍 Happy birthday kuya @arjoatayde ❤

“OMG KILIG AKO SA INYO 😍😍😍

“These best describes how happy they are in each others arms and I Respect that. Happy Birthday @arjoatayde @mainedcm”

Credit: Maine Mendoza Instagram

Si Maine ay nakilala bilang si Yaya Dub mula sa isang sikat na noontime variety show na “Eat Bulaga!” at kaniyang nakapareha dito ang aktor na si Alden Richards.

Kinilala naman ang husay at galing ni Arjo sa pag-arte ng siya ay maging bahagi ng seryeng “Ang Probinsyano”, na talagang sinubaybayan ng publiko.



Credit: Maine Mendoza Instagram

Nagsimulang mabuo ang kanilang matamis na pagmamahalan noong taong 2018 at ngayon na paparating na ang buwan ng December ay kanila namang ipagdiriwang ang kanilang ikalawang anibersaryo.

The post Maine Mendoza, ibinahagi ang masayang larawan nila ng kasintahan nyang si Arjo Atayde kasabay ng kaarawan nito ngayong araw appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments