Matapos mag-iwan ng kakaibang kalungkutan at pagsubok na dinanas ang mga Pilipino sa hagupit ng Bagyong Ulysses, marami pa rin sa ating mga kababayan ang may busilak na kalooban, na handang tumulong sa mga nangangailangan.
Ganiyan mailalarawan ang kabutihang puso ng mahusay na aktres na si Bea Alonzo, sa kaniyang ipinakitang pagtulong bago pa man mangyari sa mga Pilipino ang naganap na trahedya na ito sa bansa.
Matapos masailalim ng ilang buwan ang Metro Manila sa community quarantine, naging daan ito para kay Bea at sa co-founder nito na si Rina Navarro na bumuo ng isang organisasyon na tinawag nilang ‘I Am Hope’.
View this post on Instagram
Layunin ng organisasyon na ito na makatulong sa mga masigasig na frontliners, sa pamamagitan ng pag-abot sa kanila ng mga donasyon na pagkain, lalo na sa mga sector na labis na naapektuhan ng kr!sis na ito.
Kaya naman nang simulang manalanta ang bagyong Ulysses sa bansa, hindi nagdalawang isip si Bea at ang team nito na tumulong at mamahagi ng mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang labis na naapektuhan.
“Productive day at the I AM HOPE headquarters. We were able to send relief goods, blankets, and hot meals to Marikina and Cainta. Thank you to our donors and volunteers ”
View this post on Instagram
Mula sa Instagram post ng aktres, makikita ang mga donasyon na pagkain pati na rin ang mga nakasama ni Bea sa pag-aayos at pamamahagi ng mga pagkain sa Marikina at Cainta.
Sa kabutihang ipinakita ng aktres, naging daan ito sa ilang mga netizen na siya ay hangaan at pasalamatan sa ginawang pagtulong nito at ng kaniyang team sa ating mga kababayan.
“So proud of you ate Bea!!!!!”
“Maraming Salamat miss @beaalonzo ”
“Ahh so much kindness on my feed now!! God bless you Miss @beaalonzo and your team, keep amazing ”
“So proud of you queen B and the rest of @iamhope_org team!! Maraming salamat po ”
“Ang bait po mo ate bea, pagpalain kapa popara marami kapang matulongan ”
The post Bea Alonzo, masayang naghatid ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments