Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ginulat ang kanilang mga tagahanga sa kanilang mala Romeo and Juliet na pictorial

Bukod sa mga kilalang loveteam ngayon tulad na lamang ng KathNiel at LizQuen, hindi naman nagpahuli ang ‘Kadenang Ginto’ loveteam na SethDrea na magpakilig at magsilbing inspirasyon sa karamihan lalo na sa mga kabataan ngayon.



Credit: Andrea Brillantes Instagram

Ang loveteam na SethDrea ay nagsimulang mabuo nang maging bida ang aktres na si Andrea Brillantes, sa teleseryeng naging patok sa masa noon ang ‘Kadenang Ginto’ at mula dito ay kaniyang nakapareha ang Pinoy Big Brother: Otso ex-housemate na si Seth Fedelin.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

At ngayon na isang taon na ang kanilang pagiging loveteam, hindi naman napigilan ng mga netizen na kiligin sa kanilang chemistry, lalo na nang hindi nagpahuli si Andrea at Seth ngayong Halloween special at naisipan makisabay din sa mga nauuso ngayon na Halloween costume.

 

View this post on Instagram

 

O Romeo, Romeo..

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on


Mula sa Instagram post ni Andrea, makikita ang nakakakilig nilang pictorial, ng gayahin nila si Leonardo DiCaprio at Claire Danes mula sa sikat na movie noon ang “Romeo and Juliet.”

Dahil dito hindi naman napigilan ng ilang netizen na kiligin at mapa-Sana All sa naging pictorial ni Seth at Andrea.

“SANAOL SANAOL SANAOL.”

“Omg, mapapa sanaol ka nalang talaga.”



Credit: Andrea Brillantes Instagram

“AGOY SANAOL NALANG TA ANI.”

“Sana all may romeo!”

At sa kanilang naging pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang loveteam, pinasalamatan naman ni Andrea si Seth dahil ito ang kaniyang naging partner sa kanilang natapos na teleserye.

“Eto ‘yung unang araw na nakatrabaho kita. Napakagaling mo at napakasaya mo makasama. I’m happy na sa ‘yo napunta ang role na ‘yan at ikaw ang nakasama ko nakakatuwa na one year na tayo magkasama at ang SethDrea fam.”


Labis naman ang naging pasasalamat ni Andrea sa pagmahahal at suporta na ibinigay ng kanilang mga fans.

“Maraming salamat po sa nagmamahal at sumusupporta sa ‘ming dalawa! Palagi pa po namin pagbubutihan. Let’s stay strong.”



Credit: Andrea Brillantes Instagram

Kasalukuyan namang busy ngayon ang SethDrea para sa kanilang bagong teleserye na ginagawa ngayon ang “Huwag Kang Mangamba”, kasama ang kanilang kaibigan sa industriya na sina Francine Diaz at Kyle Echarri.

The post Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ginulat ang kanilang mga tagahanga sa kanilang mala Romeo and Juliet na pictorial appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments