Kilala nating lahat si Shamcey Supsup- Lee bilang Miss Universe 2011 3rd runner up. Mula sa kanyang t$unami walk, at pagiging magaling sa pagsagot sa Question and Answer portion.
At sa kamakailan lang na Miss Universe Philippines 2020 pageant ay si Shamcey ang National Director ng Miss Universe Philippines Organization. Hindi ba’t talagang pang beauty queen si Shamcey?
View this post on Instagram
Pero, sa likod ng korona ay isang probinsyana pala itong si Shamcey mula sa General Santos. Ikinwento ni Shamcey ang kanyang mga humble beginnings na kung saan siya ay nag-aalaga ng mga bibe, manok at kalabaw.
View this post on Instagram
“Bag-o ko nibalhin sa manila, sa katanggawan gyud ko nidako. Akong papang kay farmer. Wala mi silingan kay layo man mi sa barrio so wala koy gihimu kundi mag tuon lng sa balay kay ako lng man isa. Sa balay ang tao lng ako, akong papa ug auntie kay si mama OFW man. Aside sa ila, daghan mig pato, manok ug kabaw. Perti nakong ituma kay sigi man ug dula sa gawas. Naa pa gani time na gikuto ug maayo,” kwento ni Shamcey sa kanilang wika. (Bago ako lumipat sa Manila, sa Katanggawan talaga ako lumaki. Ang papa ko ay farmer. Wala kaming kapitbahay dahil malayo kami sa barrio so, wala akong magawa kundi mag-aral lang sa bahay dahil ako lang mag-isa. Sa bahay ang tao lang ay ako at sina papa at Auntie, kasi si mama ay OFW. Aside sa kanila, marami kaming pato, manok at kalabaw. Sa kalalaro ko sa labas ang itim ko na. Di lang yan sa sobrang init, nagkaroon ako ng kuto).
Sa kwento pa ni Shamcey, sosyal pa daw noon ang kanyang mga kalaro habang siya ay jologs jologs lang at napapagalitan pa siya sa kanyang ina dahil napaka itim na niya.
“Suko kayo si mama pag muuli kay ang puti na lng daw sakoa kay ang ngipon ug akong mata. Tung nag high school ko, gipabalhin ko ni mama sa manila kay diri man iyang trabaho. Suko kaayo ko uy kay ganahan naman ko sa akong school sa MSU,” saad pa niya. (Naiinis sakin si mama tuwing uuwi siya kasi ang maputi na lang daw sakin ay ngipin at mata. Noong high school na ako, pinalipat ako ni mama dito sa Manila dahil dito na rin sya nagtatrabaho. Sobrang inis ko kase mas gusto kong mag aral sa school ko, sa MSU).
Tak0t daw talaga siya noong una na lumipat sa Metro Manila dahil baka kantiyawan siya sa kanyang Tagalog. Pero, wala namang imposible sa taong magaling kaya naman naging salutatorian pa siya sa Makati at nakapasok sa kanyang dream school sa UP.
“True enough, ni graduate ko ug salutatorian sa makati high school ug nakasulod sa akoang dream university ang UP. And they would say, the rest is history. Kaya sa tanan na Promdi diha, ayaw mo maulaw o mahadlok kay world class pud mo, ako gani niabot sa universe!, pagpapatuloy pa ng beauty queen. (True enough, naka-graduate akong salutatorian sa Makati High School kung saan nakapasok ako sa dream university ko, ang UP. And they would say, the rest is history. Kaya ang masasabi ko sa lahat ng Promdi dyan, wag kayong mahiya o matakot kasi pang world class din kayo. Ako nga narating ko ang universe!).
The post Shamcey Supsup, ikinuwento ang kanyang buhay dati sa probinsya kasama ang kanyang tatay na magsasaka hanggang sa makasali sa Miss Universe appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments