Marian Rivera, ibinahagi ang napakagandang mga larawan ni Zia sa kanyang holloween costume

Sa pagsapit ng buwan ng Nobyembre, dito masasaksihan ang iba`t-ibang klase ng kasuotan na tila`y magsisilbing katatawanan o di naman kaya ay katatakutan ng karamihan.

Magmula sa kani-kaniyang ideya kung paano gagawing mas exciting ang Halloween special, marami ang naghanda at ibinida ang kanilang mga kasuotan.



Credit: @marianrivera instagram

Dahil dito hindi naman nagpahuli ang Pretty Little Girl na si Zia Dantes, mula sa kaniyang Halloween costume na Princess Jasmine costume na inspired sa isang Disney Movie na ‘Alladin’.

At bilang isang supportive celebrity Mommy na si Marian Rivera-Dantes, hindi naman napigilan ng aktres ang kaniyang excitement na ipakita sa publiko ang Halloween costume ni Zia para sa kaniyang school.

Credit: @marianrivera instagram

Mula sa Instagram post ng aktres, ay makikita ang mga naging pictorial ni Zia, habang suot-suot nito ang kaniyang magandang costume na siyang nagpadagdag sa angking ganda nito.

“jasZmine… 😍 #HalloweenPartyInSchool 🎃

 

View this post on Instagram

 

jasZmine… 😍 #HalloweenPartyInSchool 🎃

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on


Tila`y hindi lamang ang kaniyang Mommy Marian ang nabighani sa kaniyang ganda at kasuotan, kundi pati na rin ang mga netizen ay nagbigay din ng kanilang kumento sa naging kasuotan ni Zia.

“My Nanalo na😂😍 Napaka gandang bata ito.”

“Panalo ka na naman nyan baby z! yearly ko inaabangan ang Halloween Costume mo 😘



Credit: @marianrivera instagram

“Super ganda naman ni Zia! Bagay na bagay costume nya. 💖💖💖

“Ang haba na ang hair ❤❤❤ subrang ganda kagaya ng kanyang ina. ❤❤❤❤

“Such a beautiful kid 😍 well, the parents are both good looking too.”

Credit: @marianrivera instagram

Matatandaan na nakaraang taon ay ibinida din ni Zia ang kaniyang napakagandang costume na gawa mula sa isang recycled materials at ginampanan ang role bilang isang clown.

Kaya naman hindi kataka-taka na nakatanggap si Zia ng award sa kaniyang school at nanalo ng ‘Best Costume Award’.

Credit: @marianrivera instagram



Sa nakaraang Halloween celebrations naman, ginampanan naman ni Zia ang pagiging isang ‘The Red Queen and The Joker’.

Isinilang ni Marian si Zia noong November 23 taong 2015 at sinundan naman ang kaniyang bunsong anak na si Ziggy noong April 16 ng nakaraang taon.

The post Marian Rivera, ibinahagi ang napakagandang mga larawan ni Zia sa kanyang holloween costume appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments