Isa sa pinakasikat na pamilya sa Pilipinas ay ang Team Kramer na binubuo ng mag-asawa na sila Doug Kramer, isang dating professional basketball player at Chesca Garcia na isang aktres at kapatid ng isang sikat na aktor na si Patrick Garcia at ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.
Sila ay tinagurian bilang “every filipino’s ideal family” at nasaksihan ng mga netizens ang paglago ng kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak sa panonood sa mga vlogs at updates na pinopost ng Team Kramer sa iba’t ibang Social media platforms.
Sa bagong post ni Doug Kramer sa kaniyang Instagram account ng mga larawan ng kaniyang anak na si Kendra Kramer simula pagkabata nito hanggang sa ngayon ay tila ba’y ito ay nagpakita ng nostalgic emotion.
“Reality is, like a blink of an eye, they’re grown up na. One day they’re sleeping on your tummy with their pacifier. They will ask you to carry them on your shoulders, then they will ask you to make funny faces and make jokes that will make you cry from laughter,” saad ng post.
Tila binalikan ni Doug ang mga throwback photos ng kaniyang mga anak at tila na realize niya na napakabilis ng panahon at lumalaki na sila.
“The journey of fatherhood is so special because I choose to embrace it. To be there for every special moment as they grow up. To guide them, to influence them, and to discipline them. I choose to show my kids what a man should be like. That a father should love their mother unconditionally. That respect, convictions and love starts at home,” dagdag pa ni Doug.
Talaga nga namang isang responsableng ama itong si Doug. Lahat ay talagang kanyang binubuhos para sa kaniyang mga anak at pamilya.
Umaapaw rin ang suporta ng mga fans dahil sila ay naging kaantabay na ng pamilya at kasama nila sa mga pagbabago at paglaki ng kanilang mga anak.
The post Anak nina Chesca Garcia at Doug Kramer na si Kendra, agaw pansin ngayon dahil sa kanyang angking kagandahan appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments