Rachelle Ann Go, masayang ipinasilip ang kanilang maganda at napaka maaliwalas na bahay sa London

Ngayong taon ay ibinahagi ng singer at theatre actress na si Rachelle Ann Go ang kanilang mini house sa London ng kaniyang asawa na si Martin Spies.

Credit: @gorachelleann instagram

Matatandaang unang lumipad patungong London si Martin noong December 1, ng nakaraang taon habang sumunod naman si Rachelle makalipas ng labing-apat na araw para sundan ang kaniyang asawa.

Kaya naman sa pagkakataong ito ay ibinahagi ni Rachelle sa publiko ang kanilang munting tahanan sa London.



Credit: Rachelle Ann Go Youtube

Ayon kay Rachelle ang bahay na kanilang tinitirhan ngayon, ay isa sa mga magandang disenyo na umantig sa kanilang mga damdamin ng unang masilayan ito.

Pagpasok pa lamang sa kanilang tahanan ay makikita na ang maaliwalas na kulay nito magmula sa warm white na ipinalit nila sa dating kulay nito na french gray.

Credit: Rachelle Ann Go Youtube

Pagdating naman sa kanilang flooring, ipinakita ni Rachelle ang mga cute printed tiles na ayon sa kanya ay sya mismo ang naglagay ng mga ito.

Pagdating naman sa kanilang living area, kapansin-pansin naman ang isang malaking vanity mirror at fireplace na ipinalagay nila para dito.

Credit: Rachelle Ann Go Youtube

Hindi naman mawawala ang kanilang sofa, na syang naging higaan na rin noon ni Martin ng mauna itong lumipad patungong London.



Credit: Rachelle Ann Go Youtube

Mapapansin din naman ang pagkahilig ni Rachelle sa mga indoor plants na syang makikita sa bawat sulok ng kanilang tahanan.

Kalapit naman ng living area ay matatagpuan ang kanilang kitchen, na kung saan ay isa sa mga naging bonding moments nila bilang mag-asawa ang pagbe-bake simula ng maabutan sila ng quarantine.

Credit: Rachelle Ann Go Youtube

Magmula naman sa kanilang dining area ay makikita din ang kanilang magandang dining table, pati na rin ang tila’y isang black wall na siyang sinulatan nila Rachelle ng mga Bible verses.

Credit: Rachelle Ann Go Youtube

Ang pinakapaborito naman nilang spot sa loob ng kanilang tahanan, ay ang conservatory area na kung saan ay dito nila ginagawa ang kanilang devotion time.

At ang huli, hindi naman mawawala sa kanilang bahay ang garden na siyang isa sa mga project ngayon umano ni Martin.



Credit: Rachelle Ann Go Youtube

Hindi man naipakita ni Rachelle ang kabuuan ng kanilang bahay, nangako naman ang aktres na ipapakita ang kanilang 2nd floor kapag natapos nang gawin ito.

The post Rachelle Ann Go, masayang ipinasilip ang kanilang maganda at napaka maaliwalas na bahay sa London appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments