Pumukaw Sa Publiko Ang Nakakatabang Puso Ng Mag-Amang Nag Uusap Sa Isang Jeepney

Tunay na ang pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang anak, ay walang kapantay. Lahat ng sakripisyo, pag-aalaga at pagmamahal ay ibinubuhos ng isang magulang para sa kanyang anak, at walang magulang ang nanaisin na malagay ito sa kapahamakan.



Kamakailan lamang ay isang kwento ng mag-ama, ang pumukaw sa damdamin ng maraming netizens, ito ay ng ibahagi ng isang guro na nagngangalang Gell Fernandez Lagrimas, ang isang nakakatabang-pusong usapan ng mag-ama na nakasabay niya ng siya ay nakasakay sa jeep.
Image Credit via Google
Ayon sa gurong si Gel, nakaupo siya sa tapat mismo ng mag-ama, kaya naman, hindi niya na iwasan na marinig ang usapan ng mga ito, na umantig rin sa kanya.
Narito nga ang usapan ng mag-ama, na umantig sa puso ni Gell.
Image Credit via Google
Anak: Pa, huwag mo na akong ihatid hanggang sa loob ng school magtinda ka na lang para makabenta ka marami. Tatay: Hindi pwede nak, may nangunguha ng mga bata ngayon. Sige ka, magkakaroon ka ng ibang tatay.
Anak: Sige tay hatid mo na ako. Pagkatapos ko sa school, tulungan kita magtinda ha. Sana maubos lahat, para marami tayong pera. Tatay: Mag-aral ka mabuti nak ha.
Base nga sa usapan ng mag-ama, ang tatay ay isang tindero, at ang kanyang anak naman ay nag-aaral sa eskwelahan na kinakailangan niyang maihatid bago pa siya magsimulang magtinda.
Masasabi natin na napaka-ikli lamang ng usapang ito ng mag-ama, pero ang mensahe ng usapan nilang ito ay talaga namang nakakataba ng puso.
Dahil sa mensahe ng ama, ay nais niyang masiguro ang kaligtasan ng anak kaya naman talagang ihahatid niya ito sa eskwelahan, samantala ang mensahe naman ng kanyang anak, ay ang nais nitong matulungan ang ama, at ayaw na sana niyang maabala pa ito sa paghatid sa kanya sa eskwelahan kung saan siya nag-aaral.
Sa huling sinabi rin ng ama sa kanyang anak na “mag-aral ka ng mabuti nak ha”, ay isang malalim na payo rin mula sa magulang, kung saan ay nais nitong makapagtapos ang anak sa pag-aaral upang mas magkaroon ito ng maayos na buhay sa kanyang kinabukasan.
Sa usapan rin ng mag-ama, ay masasabi natin na sa murang edad ng bata, ay isa na siyang responsible at matulungin na anak sa kanyang mga magulang.



Napag-alaman rin ng guro na si Gel, na maliban sa anak ng kasama ng ama sa jeep, ay mayroon pa itong apat pang mga anak, kaya naman talagang nagsasakripisyo at nagpapakahirap itong maghanap-buhay para sa kanyang mga anak.
Ibinahagi rin ng guro, na kapareho ng amang nasa jeep ang kanyang ama, na ginawa ang lahat ng pagsisikap sa buhay para mabigyan silang magkakapatid ng magandang buhay at kinabukasan.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments