Nakikita nga naman nating lahat kung gaano ka-humble at kasimple ang teen actress na si Maymay Entrata, dahil sa kabila ng mga tagumpay na narating ng kanyang career bilang isang aktres ay talaga namang napanatili niya ang pagiging isang mabuting anak at kapatid sa kanyang pamilya.
Marami nga sa mga tagahanga ni Maymay ang hinahangaan ang aktres, lalo na pagdating sa pagmamahal at suporta na binigay niya sa kanyang pamilya. At isa pa nga sa talagang hahangaan kay Maymay, ay ang pagiging masinop nito sa perang kanyang kinikita kahit pa nga ba siya ay 19-taong gulang pa lamang.
Sa isang virtual presscon ng Star Magic: Live From Home ay ibinahagi ni Maymay kung paano niya laging pinaghahandaan ang mga bagay bagay na maaring mangyari in a future lalo na pagdating sa kanyang career na batid niyang hindi habang buhay ang kasikatan ng pagiging isang artista.
“Bale lagi kong pinangungunahan iyong mga posibilidad sa future.”
“Iyong mga pwedeng mangyari kapag emergency. Napa Paranoid ako. Gusto ko lagi akong handa.”
“Kaya itong pandemic po, sa awa ng Diyos, nakapag pundar ako, nakapag-save ako at patuloy pa rin ang pag po-provide ko para sa family ko.”
Ayon pa nga kay Maymay, importante na sa bawat kinikita natin ay talagang may itinatabi tayong pera para sa ipon, upang sa anumang krisis na dumating ay lagi tayong handa at may mapagkukunan.
“Kaya nga napaka importante talaga na mag-save ka at maging wise tayo sa paggamit ng pera natin, para lagi po tayong handa.”
Ibinahagi rin ng PBB Teen Big Winner na karamihan sa kinita niyang pera ay talagang inilaan niya sa pagpunta ng mga ari-arian, at ang iba naman ay inilaan niya para sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid at pamangkin.
Sa panayam ring ito ay sinabi ni Maymay, na sa kanilang pamilya ay siya talaga ang breadwinner, kaya naman talagang nagpapasalamat siya dahil kahit 19-taon pa lamang siya ay alam na niya kung paano gamitin ng tama ang perang kinita niya.
“Bilang isang breadwinner – three years na – thankful ako na natutunan ko na mag budget saka magsafe na ng pera para sa family ko.”
Ikinuwento rin ni Maymay, na tatlo sa kanyang mga pinsan ay tinulungan niya sa pag-aaral ng mga ito, at masaya naman siya sa ginawa niyang pagpapaaral sa kanyang mga pinsan dahil sa masisipag ang mga ito at lagi ring nasa honor.
“May pinag-aaral po ako ngayon, tatlong pinsan ko po.” “Nag-promise ako sa kanila, kasi nga broken family din sila.” “Kasi ako na rin ang parang itinuturing nilang nanay.”
“Kaya sabi ko, paaralan ko kayo. At saka honor (students) sila.”
Tunay nga namang kahanga-hanga ang teen actress na si Maymay, hindi lamang sa galing niya bilang isang artista kundi maging sa pagiging mapagmahal, responsible, at matulungin niya sa kanyang pamilya.
Source: Famous Trends
0 Comments