Mommy D, game na game sa pagsayaw habang sinasabayan ang apo na si Mary Pacquiao sa isang Tiktok video

Patok na patok ang application na Tiktok, bata man o matanda. Sino ba ang hindi matutuwa sa mga mapapanood mo dito? Nakaka aliw naman talaga ang mga Tiktok videos.



Credit: @mary_pacquiao tiktok

Kaya naman, swipe dito swipe doon at talagang mag eenjoy ka sa panonood. Bukod sa panonood, mapapa indak ka na rin sa mga music at mga steps na makikita mo dito.

Kung titignan, laman ng mga social media sites gaya ng Facebook at Instagram ang mga Tiktok videos ng mga netizens. Kanya kanya ng trip kaya naman kanya kanya ng gustong music na isayaw. Babae man o lalaki ay talagang kinakagat ang mga sayaw na ito.

Credit: @mary_pacquiao tiktok

Maging mga celebrities ay hindi rin nakaligtas dito. Sa katunayan, nagtetrending pa nga ang mga ito. Kinikilig at talagang tuwang tuwa ang mga fans kapag nakikita na nila ang kanilang mga idolong artista na sumasayaw sa Tiktok application.

Credit: @mary_pacquiao tiktok

Pero, iisipin mo bang maging mga lolo at lola ay nakakasabay pa sa indak nito. Ito man ay modern songs ay kayang kaya din nilang isayaw ang mga ito. Marami na din sa social media ang nag trending na mga lolang sumasayaw sa Tiktok kasama ang kanilang mga apo at kapamilya.



Gaya na lamang ng mag-lola na Mary Pacquiao at Mommy Dionisia. Alam naman natin na laging on the go si Mommy D. Kaya, sa sayawan sa Tiktok ay nakakasabay pa talaga siya sa kanyang apong si Mary.

Unang isinayaw nilang mag lola ay ang usong uso ngayo na “Laxed Siren Beat”. Todo hataw naman si Mommy D at tila hindi siya tumatanda sa kanyang mga dance moves.

@mary_pacquiao

With mommy D. <3

♬ Laxed (Siren Beat) – Jawsh 685

Lalo pa itong naging ganado nang ang sinayaw ay ang kanyang mga cha cha moves sa kantang “Todo Todo”. Dito ay dalawang lola na niya ang sumayaw at di na makasabay si Mary.



@mary_pacquiao

With my two beautiful lolas! (Sorry i don’t hos to cha cha) :/

♬ todo todo – alwinpedraja

Mukhang nag eenjoy naman si Mary na nasa Saranggani at nakaka bond niya ang kanyang mga lola.

The post Mommy D, game na game sa pagsayaw habang sinasabayan ang apo na si Mary Pacquiao sa isang Tiktok video appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments