Anne Curtis, ipinasilip ang tawanan nila ng kanyang anak na si baby Dahlia Amelie na talagang nakakapagbigay ng good vibes

Mula pa man noon, kilalang kilala na ang aktres na si Anne Curtis sa kanyang nakakahawang tawa. Bukod sa kanyang angking ganda na talaga namang walang kapantay, sabi nga nila ay mala Diyosa sa ganda. At sa kanyang galing sa pag-arte at paghohost, kaya naman maraming de kalibreng pelikula ang pinagbidahan niya.



Credit: Anne Curtis Instagram

Sa kabila ng lahat ng ito, isa sa mga naging kilala at tatak na ni Anne ay ang kanyang nakaka good vibes na tawa at halakhak. Sino ba ang hindi mahahawa sa kanyang tawa at halakhak? Gaano ka man kalumbay ay talagang matatawa ka kapag si Anne na ang narinig mo. Marami na tuloy ang nakakamiss sa kanya lalo na sa noon time show na It’s Showtime.

Credit: Anne Curtis Instagram

Matatandaang pansamantalang nag leave si Anne sa It’s Showtime para sa kanyang panganganak. At ngayon, ay dumating na ang bagong nagpapasaya kay Anne at Erwan. Siyempre, ang kanilang anak na si Baby Dahlia, ang kanilang bagong source of joy.

Credit: Anne Curtis Instagram

Manang mana naman itong si Baby Dahlia sa kanyang mga magulang na talagang napakamasiyahin. Sa post ni Anne sa IG, makikitang sobrang saya niya sa pag-aalaga kay Baby Dahlia.



Credit: Anne Curtis Instagram

Kwento pa ni Anne, na ang tuwa at tawa ni Dahlia ang pinapaborito niyang bagay sa mundo.

“Her little laugh is my most favorite thing in the universe ðŸŒˆ Bungisngis like her mumma Our ray of ☀ during these crazy times. Hope this puts a smile on your face 🎥: @erwan,” saad ng IG caption ni Anne.


Dagdag pa rito, makikita din si Baby Dahlia na talagang napaka bungisngis gaya ng kanyang Mommy Anne. Talagang napaka hands on ni Anne sa kanyang baby dahil tutok na tutok siya rito sa anumang oras.



Credit: Anne Curtis Instagram

Napaka blessed ni Baby Dahlia na magkaroon ng parents na talaga namang tutok na tutok sa kanya. Iyan ang parenting na mayroon ang mag-asawang Anne at Erwan.

The post Anne Curtis, ipinasilip ang tawanan nila ng kanyang anak na si baby Dahlia Amelie na talagang nakakapagbigay ng good vibes appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments