Jak Roberto, nagkunwaring amoy mabaho para malaman kung ano ang magiging reaksiyon ng girlfriend nyang si Barbie Forteza

“Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat,” iyan nga naman ang kasabihan na nagsasabing mahalaga ang pagiging tapat sa lahat ng bagay para mas magtagal ang relasyon ng dalawang nagmamahalan.

Tignan naman natin ang celebrity couple na ito kung paano nga ba magiging honest at paano sasabihin ang totoo ng aktres sa kanyang boyfriend.



Credit: Jak Roberto Youtube

Kilalang kilala nga naman ang couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza. Sino ba ang hindi kikiligin sa kanilang dalawa? Kaya naman, sa isang video ay naghanda si Jak ng prank kay Barbie.

Credit: Jak Roberto Youtube

Dahil iniimbitahan ni Barbie na pumunta sa kanila si Jak para mag workout, sinadya ni Jak na mangamoy maasim sa pamamagitan ng pagspray ng suka sa buo niyang katawan para makita kung paano ang magiging reaksyon ni Barbie.

Credit: Jak Roberto Youtube

Noong una ay tila hindi ito pansin ni Barbie. Kaya sandaling lumabas si Jak at dinagdagan pa ang inispray na suka.



Credit: Jak Roberto Youtube

At ng mapansin na ito ni Barbie, ay hindi sila makapag umpisa sa workout dahil nagtatakip na siya ng ilong. Sabi pa ni Barbie ay baka ang sofa daw ang nangangamoy. Hanggang sa sinabi na ni Barbie, na mukhang napakadami na daw niyang napagdaanan sa araw na iyon.

Credit: Jak Roberto Youtube

Pilit namang pinagpapalit ni Barbie ng damit si Jak para makapag work out na sila. Giit ni Jak ay hindi na kailangan dahil papawisan din sila. Hanggang sa nag walk out na si Jak.

Credit: Jak Roberto Youtube

Hinintay naman ni Jak si Barbie na lumabas at nang lumabas ay sinabing prank lang daw ang lahat ng ito.



 

Pinaghalong tawa at kilig naman ang naramdaman ng mga netizens:

“I love how Barbie approached the situation. She’s so mature. Instead of hurting Jak by telling him that he smells bad, she suggested things to him para hindi siya ma offend. Love this couple! ♥✨,” saad ng isang netizen na kilig na kilig sa kanilang dalawa.

The post Jak Roberto, nagkunwaring amoy mabaho para malaman kung ano ang magiging reaksiyon ng girlfriend nyang si Barbie Forteza appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments