LJ Reyes at mga anak, sobrang proud sa galing at husay ni Paolo Contis sa tagumpay ng mga bago nyang pelikula

Bahagi na ng ating mga buhay ang mga pelikula na nagbibigay ng aliw, tuwa, at emosyon sa atin. Ang mga pelikulang pinoy ay silang sumasalamin sa ating kultura at pamumuhay bilang Pilipino.



Credit: Paolo Contis Instagram

Trending na trending ngayon ang mga pelikulang Through Night and Day at Ang Pangarap Kong Holdap. Ang Through Night and Day ay isang love story ng dalawang taong nag-iibigan na ipinaglaban ang kanilang pagmahahalan hanggang sa dulo kahit na may mga biglaang di inaasahang pangyayari.

Credit: LJ Reyes Instagram

Ang Pangarap Kong Holdap ay kwento ng mga holdappers na pilit nag iisip kung ano nga ba ang pinaka epektibong paraan ng paghoholdap.

Nasungkit ng dalawang pelikulang ito ang Top 1 and 2nd spot sa Netflix. Sa dalawang
pelikulang ito, isa sa mga main character ay si Paolo Contis. Magkaibang magkaiba ang karakter dito ni Paolo. Pero, sa kabila nito nagawa ni Paolo ang dalawang role na ito na talaga namang napakagaling.




Kaya naman, ang partner ni Paolo na si LJ Reyes ay proud na proud sa achievement na ito ni Paolo. Nagpost pa si LJ ng mensahe para kay Paolo at makikita talaga kung gaano ka proud si LJ sa kanya.

Credit: LJ Reyes Instagram

“Let not this night pass without me posting how proud we are of you!!!!❤❤❤👏🏻👏🏻👏🏻 pag pwede ka na tumabi samin, panuorin natin ulit pati ang #AngPangarpKongHoldap! Di ko kaya ng ako lang!😭😭😭 I’m so happy that now people will see how good of an actor you are and so much more!!!

Credit: LJ Reyes Instagram

I’m grateful to see you become the best of you! And much more grateful that it’s unfolding right before my eyes!❤❤❤ pag gising ng mga bata papakita ko. Kitang kita ko na magiging reaction nila! Lalo na si Aki!!!! Hahaha ngayon, pwede na kita gupitan???😅 we love you @paolo_contis!!!,” mensahe ni LJ.




Samantala, marami naman ang mga netizens at viewets na talagang gandang ganda sa mga pelikulang ito.

The post LJ Reyes at mga anak, sobrang proud sa galing at husay ni Paolo Contis sa tagumpay ng mga bago nyang pelikula appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments