Kilalanin Ang Napakagandang Si Celine Pialago Ang MMDA Spokesperson Ngayon Na Noon Ay Isa Rin Pa Lang Beauty Queen

Taong 2014 sa ginanap na Miss Earth noon ay naging viral ang pangalan ni Pircelyn Pialago, ito ay dahil sa isang salita na kanyang binitiwan sa isang panayam sa kanya bilang isang kandidata noon na nakasaksi sa pagkahimatay ng isa pang kandidata habang ito ay rumarampa.



“She passed away kasi she’s really hungry. I kept on inviting her to eat breakfast but she really doesn’t want to eat”, ang sinabi nga nito sa interview sa kanya na talaga namang naging usap-usapan dahil imbis na “She passed out” ang sabihin niya ay naging she passed away ito.
Image Credit via Google
Marami ang natawa sa naging kasagutan na ito ng dalaga, lalo na sa social media kung saan ay talagang ginawa itong katatawanan ng iba, ngunit hindi na lang ito pinansin ng dalaga.
Image Credit via Google
Nagtapos ng kanyang pag-aaral si Celine Pialago sa Miriam College kung saan siya ay kumuha ng kursong AB Mass Communication Major in Broadcasting. At upang matustusan ang kanyang mga gastusin sa pag-aaral ay naging working student ang dalaga, kung saan ay iba’t ibang trabaho ang kanyang pinasukan.
Image Credit via Google
Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Celine bago siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral. Ilan sa mga trabahong kanyang pinasok ay ang pagiging isang Radio DJ, pag-extra sa mga palabas sa telebisyon , pag-host sa event, at maging ang pag modelo.
Image Credit via Google
Nang makapagtapos nga ang dalaga sa kanyang kolehiyo, ay agad siyang nag trabaho bilang news anchor sa PTV 4.
Image Credit via Google
Naging spokesperson si Celine ng MMDA noong September 2016, at matapos ang dalawang taon ay na-promote ang dalaga bilang assistant secretary ng ahensya noong August 2018.
Image Credit via Google
Nakapagtapos rin ang dalaga ng M.A in Journalism sa Ateneo de Manila, ito ay matapos niyang mag-aral muli habang siya ay nagtatrabaho bilang spokesperson noon ng MMDA.
Image Credit via Google
Makikita naman na nagbahagi si Celine Pialago sa kanyang Facebook account ng isang mensahe ng pasasalamat at kung paano siya naging blessed na mapabilang sa ahensya na kanyang pinagtatrabahuhan ngayon.
Image Credit via Google
Nabanggit rin ng dalaga sa post niyang ito ang kanyang pinagdaanan na tungkol sa gender stereotyping at equality sa kanyang mga naging trabaho.
Image Credit via Google
“Happy International Women’s Month! Ever since the time I started working, at 18 years old, a very young age. I was already fighting all kinds of stereotyping at work.”
“And if I was asked, do I still face the same challenge now, I would say not anymore, not under our Chairman Lim’s term. I believe this is because of work of Chairman Lim and other people who made MMDA organization that treats both gender fairy. I am very much honored and blessed for the opportunity and respect that the male leaders showed me so that I may release my full potential.”
“I believe that our enemy in our fight for gender equality is not men, but our own selves, a loss of self-confidence, and a loss of faith in our own abilities as women. In the end, “Gender Equality is not a female fight but a human fight.”



Nakilala rin si Celine bilang na isang palaban na babae na kung saan nalaman niya kung saan niya kailangan ipagtanggol ang kanyang sarili.
Isa ring mapagmahal na anak at kapamilya si Celine, dahil makikita sa kanyang social media account ang mga larawan niya kasama ang kanyang pamilya at mapapansin dito ang pagiging malapit niya sa mga ito.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments