Batid natin nmarami ang humahanga sa binatang anak ni singer-actor Piolo Pascual na si Iṅigo Pascual, ito ay dahil sa namana ng binata ang charismatic look ng kanyang ama at maging ang galing at talento nito pagdating sa pag-awit ng musika.
Pero syempre, hindi rin naman magiging poging-pogi si Iṅigo kung hindi maganda ang kanyang ina.
Kaya naman sa mga hindi nakakakilala sa magandang ina ni Iṅigo ay narito ang ilang pabatid tungkol sa kanyang personalidad.
Ang ina ni Iṅigo na naging kasintahan noon ni Piolo Pascual ay walang iba kundi si Donnabelle Lazaro. Makikita nga sa mga larawan ni Donnabelle na napakaganda rin nito, kaya naman hindi na talaga kataka-taka na parehong sa kanyang ama at ina, nagmana ng kanyang charismatic at good looks ang binata.
Hindi tulad ni Piolo at ng anak nilang si Iṅigo, ay hindi kailan man ninais ni Donnabelle na mapabilang sa spotlight, lalo na at isa siyang pribadong tao.
Sa ibang bansa pinalaki ni Donnabelle ang anak niyang si Iṅigo, pero dahil sa kagustuhan ng anak na pasukin ang industriyang kinabibilangan ng ama nito ay nagdesisyon si Donnabelle na muling bumalik sa Pilipinas upang suportahan ang nais na career ng kanyang anak.
Nagsimula ang magandang career ng ni Iṅigo ng pumatok sa madla ang awitin niyang “Dahil Sayo”, na kahit pa nga mga bata ay alam na alam ang lyrics nito.
Matatandaan naman na taong 2016 ng mapabilang ang binata sa pelikulang “Ang Babae sa Septic Tank 2”, kung saan ay kasama niya rito ang bida ng pelikula na si Eugene Domingo.
Kahit pa nga ba walang serye o pelikula ang binata, ay patuloy pa ring nasisilayan ng kanyang mga tagahanga ang galing sa pagsasayaw at pag-awit ni Iṅigo sa Asap Natin Toh! na pinapalabas tuwing Linggo sa ABS-CBN kung saan ay nakakasama rin niya rito ang kanyang amang si Piolo.
Kahit pa nga ba hindi magkasama sa buhay ang mga magulang ni Iṅigo na sina Piolo at Donnabelle, ay pareho naman ipinaparamdam ng dalawa sa kanilang anak na nasa tabi lamang sila nito at susuportahan siya sa bawat pagtupad ng kanyang pangarap sa buhay.
Source: Famous Trends
0 Comments