Tinatayang Php 300,000 Halaga Ng Lumang Salapi Ang Nahukay Ng Mga Construction Workers

Ang ating mga ninuno noon ay gawain ang mag-impok ng salapi na itinatago nila sa kanilang mga lumang baul o di kaya naman ay mga grapon.




Ang iba ay ibinabaon pa ito, upang mas maingatan pa ang salapi na itinuturing nilang yaman na maaari nilang ipamana sa kanilang pamilya oras na sila ay mawala. Kalimitan sa gumagawa ng mga ganito ay ang ang mga taong naninirahan sa kabundukan o malayo sa kabihasnan.

Image Credit via YouTube

Marami na rin tayong nabalitaan na mga taong naghuhukay ng mga lumang kagamitan o di kaya naman ay salapi, ito ay dahil na nga sa mga itinagong yaman ng ilan sa ating mga ninuno.

Image Credit via YouTube

Ngunit may ilan naman sa bagong henerasyon ngayon na ginagawa rin ang ganitong pagtatago ng kanilang salapi, upang ingatan ito.

Image Credit via YouTube

Tulad na lamang ng ngayon na usap-usapan ang daang libong halaga ng mga lumang salapi na nahukay ng mga construction workers noong Miyerkules, sa isang covered court sa barangay Telaje Tandag City, Surigao Del Sur kung saan ay tinatrabaho nila ang perimeter fence ng nasabing covered court.

Image Credit via YouTube

Iba’t ibang denominasyon ng salapi ang nahukay, mayroong 5,10,20,50,100,200,500 at 1000 na kung pagsama-samahin ay aabot sa halos Php300,000 ang halaga. Base kay Police Regional Office 13 spokesperson Police Maj.

Rennel Serano, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila malalaman kung kanino at sino ba ang nagmamay-ari ng mga salaping nahukay. “So far, hindi pa nakilala sino ang may-ari ng ibinaong pera sa may perimeter ng covered court”, saad nga ni Serano.

Video Credit: YouTube

Ayon pa nga kay Police Maj. Rennell Serano, ang halaga ng salapi na nahukay ay tinatayang aabot sa Php300,000 ngunit nasa Php19,000 na lamang ang nai-turn over ng mga construction worker na nakahukay nito.




Sa pahayag na naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga nahukay na lumang pera ay wala ng monetary value at hindi na maaaring mapalitan sa anumang bangko. Ito ay maaari na lamang umanong gawing mga collector’s item.

Hanggang ngayon nga ay palaisipan pa rin sa mga taga barangay Telaje, kung bakit ibinaon ang ganoon karamin salapi sa may covered court, at kung sino ang nagmamay-ari nito.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments