Isang Kilong Harina Ang Ipinamigay Ng Isang Indian Actor Sa Mga Mahihirap Ngunit Hindi Nila Inakala May Mas Malaking Biyaya

Sa naging pagdaan nga ng krisis sa ating bansa dulot ng pandemic Covid-19, ay marami ang tulong na ipina-abot sa atin ng ating gobyerno o ilan nating mga kababayan na nakaka-angat sa buhay.



Isa nga sa mga naging pamamaraan ng ating mga local government ay ang magbigay ng mga relief goods sa ating mga mamamayan na walang mapagkukunan sa panahon ng krisis.
Image Credit via Google
Ilan nga sa ating mga natanggap na relief goods ay naglalaman ng ilang kilong bigas, canned goods at mga noodles.
Samantala, sa bansang India, ay kakaiba naman ang ginawang pagbibigay tulong sa mga mahihirap ng isang Indian actor na si Aamir Khan.
Image Credit via Google
Kilala si Aamir Khan sa kanilang bansa bilang isa sa mga mahuhusay na aktor, ngunit maliban pa dito ay popular din siya dahil sa kabutihan ng kanyang puso at ginagawa niyang pagtulong sa kanyang mga kababayan.
Image Credit via Google
Hindi tulad ng iba na direktang ipinapakita kung ano ang kanilang tulong na ibibigay, ay iba ang ginawa ni Aamir, dahil sinubok niya ang mga taong pagbibigyan niya na kung sino sa mga ito ang talagang mas nangangailangan.
Image Credit via Google
Ayon nga sa ibinigay na ulat ng isang source, isang truck na puno ng plastic bags na may tig-iisang kilo ng Harina ang ipamimigay ni Aamir sa bayan ng Delhi. Ngunit hindi lahat ay kumuha ng tulong na ito ng Indian actor, sa pag-aakala nila na wala namang maitutulong sa kanila ang isang kilo ng harina.
Samantala, may ibang mamamayan naman na mas iniling tanggapin ang ibinigay na tulong ng aktor dahil para sa kanila ay biyaya pa rin ito at hindi nga nila inaasahan na totoong may biyaya silang matatanggap mula sa isang kilo ng harina.
Hindi nga inakala ng mga tumanggap ng isang supot ng harina, na sa loob pala nito ay may malaking tulong silang matatanggap na makakatulong upang mai-survive nila ang ilang linggo din nilang gastusin sa pang araw-araw.  Dahil pagbukas nila ng supot, ay nakita nila na sa loob pala nito ay may salapi na nagkakahalaga ng 15,000 rupes o Php 10,000.



Base pa sa ulat ng source, ang ideyang ito ay mismong si Aamir ang nakaisip, upang mas malaman umano ng aktor na kung sino sa mga mamamayan ang mas nangangailangan sa gitna ng krisis, at ang nakatanggap nga ng kanyang tulong ay ang mga taong deserve talaga ito.
Wala pa ngang kumpirmasyon kung tunay nga baa ng pangyayaring ito, ngunit masasabi natin na kakaiba nga naman ang ganitong gawain na pagbibigay ng tulong.
Ano ang masasabi niyo???


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments