Ama Ng Anak Ni Sofia Andres Na Si Daniel Miranda Mula Pala Sa Mayamang Negosyante Sa Cebu

Isa nga sa malaking rebelasyon na ating narinig noong buwan ng Hunyo 2020, ay ng ilabas sa publiko ng aktres na si Sofia Andres ang kanyang baby girl na si Zoe Natalia na nagpapatunay na isa na siyang ganap na mommy.



Ang ama naman ng anak ni Sofia, ay kilala bilang ang kanyang boyfriend na si Daniel Miranda. Ang nasabing binata ang talagang bumihag sa puso ng isa sa napakagandang aktres sa industriya ng showbiz, kaya naman ngayon ay marami sa mga tagahanga ni Sofia at mga netizens ang nais malaman ng ilan sa mga detalye tungkol sa binata.
Image Credit via Google
Si Daniel Miranda, ay kilala bilang isang international car racer, na kung saan ay maging sa iba’t-ibang bansa ay nakikipag-compete ito, na sinusuportahan naman ni Sofia Andres.
Image Credit via Google
Bata pa lamang nga si Daniel ay ipinakita na nito ang kanyang pagkahilig sa mga sasakyan, lalo na sa car racing, kaya naman sa kanyang paglaki ay talagang pinursige niya ito at dito nga siya naging popular.
Image Credit via Google
Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami sa atin, hindi lang kilala bilang isang sikat na car racer ang nobyo ni Sofia na si Daniel, sapagkat ang binata pala ay mula rin sa isang kilalang pamilya sa Cebu na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking pawnshop sa Pilipinas.
Image Credit via Google
Apo si Daniel Miranda ni Edna Diago Lhuillier at Philippe Lhuillier, ang mag-asawa na nagmamay-ari ng Cebuana Lhuillier, isa sa pinaka-popular at malaking sanglaan at money remittance dito sa ating bansa, dahil sa dami ng mga branches nito nationwide.
Image Credit via Google
Ang ina rin ni Daniel na si Angelique Lhuillier ay isang successful entrepreneur, samantalang ang kanyang ama naman na si Martin Miranda ay isa ring drag racer, professional karter at motocross rider.
Image Credit via Google
Kabilang din ang ina niyang si Angelique sa mga co-owner ng Casa De Memoria, ang noon ay Palacio De Memoria, isang auction house na matatagpuan sa Paranaque.
Isa ngang napakalaking mansion ng Palacio De Memoria, at ang nakamamangha pa rito ay ang mga kagamitan sa loob nito na talaga namang masasabi na milyon ang mga halaga.
Itinuturing din ng pamilya ni Daniel na isang heritage house ang Palacio De Memoria dahil sa history nito. Makikita rin na nagmamay-ari sang pamilya nila ng isang private airplane, na kung saan ay nakaparada ito sa kanilang malawak na bakuran.



Ayon naman sa Pinoy Trendz, ang lolo ni Daniel na si Philippe ay isa sa mga kinikilalang respetadong tao dito sa ating bansa. “Philippe is a diplomat, businessman, and philanthropist, best known for being the ambassador of Philippines to Spain, as well as former ambassador to Italy and chairman of Cebuana Lhuillier Pawnshop.”
May dalawa namang kapatid si Daniel Miranda, ang isa ay ang kanyang Kuya na isang businessman tulad ng kanyang ina, at ang bunso naman ay ang kanyang kapatid na babae na talaga namang mahal na mahal ng kanilang pamilya.


Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments